May hiyas pa sa liblib (75)

  MAGKASUNDO na ang mag-ama. Si Fred na ang laging naghahatid kay Kim sa school. May sasakyan si Melda at ito ang ginaga-mit ni Fred. Sa tanghali ay susunduin niya sa scho

“Talagang wala ka nang balak magbalik sa liblib, Kuya?” tanong sa kanya ni Melda isang umaga.

“Saka na lang yun.”

“Oo nga. Mas mahalaga si Kim.”

“Saka ngayon ko lang naranasan na maging tunay na ama. Ang laki nga pala ng pagkukulang ko kay Kim.”

“Masayang-masaya na.”

“Kasi’y yung mga ka-klase pala niya, hatid-sundo ng mga tatay nila. Siya lang ang walang sumusundo. Yung iba na ang tatay ay nasa abroad, ang nanay ang naghahatid at sundo.”

“Ganyan din sana ang gagawin ko Kuya pero ma­rami nga akong pasyente sa clinic. Kaya ikinuha ko na lang ng service. Kaso, may oras na ayaw sumabay sa service at nakikipagbarkada nga…”

“Ngayon ay wala na siyang kabarkada. Ako na lang ang kabarkada niya.”

“Mabuti ngang magkasama na kayong mag-ama.”

“E kung doon na kami sa aming bahay, Melda. Sayang naman ang bahay ko. Malaki pa naman at bagumbago.”

“Paupahan mo na lang Kuya. Magsosolo naman ako rito kapag umalis kayo. At saka ayaw kong mapahiwalay sa akin si Kim.”

“Kung ibenta ko kaya ang bahay ko at lupa?”

“Mas mabuti pa. Tutal naman at sabi mo, naging “pugad ng kataksilan” ang bahay na iyon. Di ba sinala-ula ng babaing pinakasalan mo. Sino nga yun, Kuya?”

“Precy.”

“Oo. Sabi mo sa akin noon, mukhang mahinhin ang Precy na yun. Yun pala mahinhin lang ang itsura. Yung loob niya ay burak pala.”

“Ipagbili ko ang bahay at lupa tapos ay ibili ko ng condo. Di ba uso na ang condo ngayon?”

“Good idea, Kuya. Tamang-tama merong itinata-yong condo diyan sa may J.P. Rizal St. Walking distance lang dito. Diyan ka na lang bumili.”

“Sige. Ihanap mo ng buyer ang bahay at lupa ko.”

“Ipa-published natin sa diyaryo para mabilis.”

Isang araw sinulatan siya ng pinsan na si Raul. Nakakuha na raw siya ng taong mag-aasikaso sa bukid sa Bgy. Luningning. Tuwing Linggo raw ay bumibisita siya roon.

Ikinuwento ni Raul na malago na naman ang da-mo sa tabing sapa. Naala- la ni Fred ang paliligo noon ni Ganda sa sapa. Baka doon na naman naliligo si Ganda dahil makapal na naman ang mga damo.

(Itutuloy)

 

Show comments