^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (64)

- Ronnie M. Halos -

HINIGPITAN ni Fred ang hawak sa kamagong. Sisi-guruhin niyang hindi masasayang ang pakakawalang palo sa dalawang lalaking ngayon ay dahan-dahan nang pumapasok sa kubo.

Umalog ang pintong yari sa kawayan. Eto na ang mga kalaban!

Itinulak na. Lumangitngit. Hindi nakaya ng isang tulak kaya hinila na ni Fred ang lubid na ang dulo ay nakatali sa hawakan ng pinto. Iyon ang naging daan para bumukas ang pinto pero kasabay din niyon ay bumagsak ang bigas na nasa sako. Sapol sa ulo ang unang lalaking pumasok! Napaluhod dahil sa lakas ng pagbagsak sa ulo. Araayyyy! Pumunit ang sigaw sa kadiliman ng gabi.

Ang kasunod niyon ay ang pag-atake ni Fred sa kasamang lalaki. Naupakan niya sa tagiliran. Araaay ko po! Hindi yata nakita kung saan nanggaling ang palo dahil madilim. Isa pang hataw sa tuhod at umaringking muli ang lalaki. Sa kabila na nasaktan, akmang may bubunutin sa tagiliran ang lalaki pero mas mabilis si Fred at naupakan muli sa tagiliran. Bagsak na! Parang puno ng saging na tumumba matapos tagain. Ang kasamang lalaki na nabagsakan ng bigas ay nawalan na ng malay.

Mabilis na kinuha ni Fred ang lubid na nakahanda. Tinalian sa kamay at paa ang dalawa. Sini­gurong hindi ma-kakawala. Ang dulo ng lubid ay itinali sa haligi.

Nang matapos iyon ay saka sinindihan ang ilawang de gas. Itinapat sa mukha ng mga lalaki.

“Sa kulungan ang bagsak n’yo ngayon!” sabi niya.

“Patawad na po. Hindi na po uulit.”

“Sa mga pulis na kayo magpaliwanag.”

“Patawad na po. Wala naman po kaming masamang balak.”

Inambahan ni Fred ng palo ang lalaki.

“Huwag mo na akong ululin at baka baliin ko sa katawan mo itong kamagong. Nari-nig ko lahat ang plano n’yo. Aakyatin nyo ang maglola at gagahasain ang dalaga rito.”

“Hindi po!”

Tinawag na ni Fred ang maglola. Sinabing nahuli na niya ang mga lalaki.

Mabilis na lumabas si Lola. Si Ganda ay wala yatang interes.               

Hindi nakapagpigil si Lola at sinipa ang isang lalaki.

“Mga hayop kayo! Balak nyo kaming perwisyuhin!”

“Hindi po Lola. Patawad po Lola.”

Sa gali ni Lola ay sinipa uli ang lalaki.

“Wala na ang kinatatakutan mo Lola.”

“Salamat Fred. Gusto kong maipakulong ang dalawang ito.”

“Makukulong talaga ang mga ‘yan, Lola.”

“Paano natin sila dadal-hin sa mga pulis?”

“Mga barangay tanod ang magdadala sa kanila Lola.”

“Ngayon na?”

“Bukas ng umaga Lola. Itatali ko muna ang mga ito sa hantikan para matikman nila ang lupit ng mga langgam.”

“Huwag poooo! Huwag poooo!” sabi ng lalaki na na­ngibabaw ang tinig sa kalaliman ng gabi.

Nang mapansin ni Fred   na nakatayo na pala sa di- kalayuan si Ganda. Pinagmamasdan ang dalawang lalaking nahuli ni Fred. Hindi na yata galit kay Fred.

(Itutuloy)

FRED

HUWAG

LALAKI

LOLA

PATAWAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with