^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (57)

- Ronnie M. Halos -

PINAGHANDAAN ni Fred ang dalawang lalaki. Sa labanan o giyera, ang paghahanda sa mga sumasalakay ang pinakamabisang paraan para manalo. Kapag naka-handa, nasosorpresa ang mga sumasalakay at nasisira ang plano.

Naghanda ng mga pamalo si Fred. Mga sanga ng madre cacao. Makikinis ang sangang madre cacao. Bawat kanto ng kanyang kubo ay may nakasandal na madre cacao. Para mas madali niyang madadampot ang mga ito kapag sinalakay siya. Naghanda rin siya ng mga lubid na gawa sa abaka. Kailangan niya ang mga lubid para maigapos ang dalawa. Bukod doon, nilagyan niya nang mabigat na kahoy ang itaas ng pintuan. Tinalian niya ang kahoy. Kapag pumasok ang mga lalaki, bigla niyang hihilahin ang lubid at babagsakan ang mga ito. Kapag nabagsakan, saka niya susugurin ng palo. Walang patumanggang hataw ang gagawin niya. Sisiguruhin niyang hindi na makakabangon ang dalawa. Pati ang bintana ay nilagyan din niya nang mabigat na kahoy. Ang mga may masasamang tangka kahit na sa bintana ay nagdadaan.

Nilatagan niya ng banig ang loob ng kubo. Puwedeng pumasok sa silong ang dalawa at silipin siya. Kawayan ang sahig ng kubo kaya madali siyang masisilip. Sa papag muna siya hihiga habang hinihintay ang dalawang lalaki.

Sumapit ang gabi. Kumain nang maaga si Fred. Mabuti nang may laman ang tiyan bago siya sumabak sa laban. Pinatay niya ang ilaw pagkatapos at saka siya pumuwesto sa papag.

Sumapit ang alas-otso ng gabi. Tahimik tahimik ang gabi. Tanging ang mga huni ng kulilis o kuliglig ang maririnig. Nagsisisi si Fred kung bakit hindi siya nakapag-alaga ng aso. Kung meron siyang aso, madali niyang malalaman kung may dumarating na tao.

Nag-alas diyes ng gabi. Wala siyang naririnig. Nag-alas-onse. Wala rin.

Baka alas-dose sasalakay. Naiisip siguro na ang oras na iyon ang magandang pagkakataon dahil himbing na him-bing ang sasalakayin.

Pero sumapit ang alas dose ng gabi, ni kaluskos o kahit na kaunting yabag ay wala siyang narinig.

Pero naghintay pa rin si Fred. Baka ala-una ng mada-ling araw.

Pero nakatulog na si Fred ay walang sumalakay.

Alas-singko siya nagising. Maliwanag na. Walang suma­lakay sa kanya. Natunugan kaya ng dalawa kaya hindi tinuloy ang balak?

Nang sumunod na gabi ay naghintay pa si Fred. Wala talaga. Nagkamali siya ng sapantaha sa dalawang lalaki.

Siguro nang malamang walang tao sa kubo ng matanda ay nagbago ng plano.

Lumipas ang isang linggo. Ipinasya niyang usisain ang kubo ng maglola isang tanghali.

Wala pa ring tao roon. Baka tuluyan ang iniwan ng maglola ang kubo. At siya ang dahilan kung bakit uma-lis ang maglola.

Hindi muna umalis si Fred. Naupo sa baytang ng hagdan. Hanggang sa may marinig siyang nag-uusap. Papalapit sa kubo!

(Itutuloy) 

FRED

KAPAG

KUBO

NAGHANDA

NIYA

PERO

SIYA

SUMAPIT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with