^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (44)

- Ronnie M. Halos -

“ANO yang bitbit mo Pinsan, pulutan?” tanong ni Raul kay Fred.

“Puto. Ibinigay ni Lola Angela.”

Inihain ni Fred ang puto sa mesa. Dumampot si Raul. Tinikman.

“Masarap ah.”

“Special daw yan. Luto ng apo ni Lola.”

Dumampot pa si Raul. Nasarapan talaga sa puto.

“Natuwa siguro sa’yo ang matanda kaya ka binigyan.”

“Nahihiya raw siya dahil ipinagbuhat ko        pa.”

“Mukhang mabait naman ang matanda ano? Kung ako sa’yo Pinsan, susuplayan ko na sila ng bigas. Kikita ka. Tapos mababalita pa ng mga taga-rito na nagbebenta ka ng bigas e di maliwanag na pera.”

“Balak ko nga ako na ang magrasyon kay Lola. Marami pala silang sinu-suplayan ng puto.”

“Masarap ang puto. Puwede nilang dalhin sa ba-yan ng Socorro kaya lang malayo. Baka mapanis dahil sa layo. Pero mara- ming bibili roon ng puto lalo na’t ganito kasarap.”

“Marami na silang nirarasyunan dito. Yung dalawang barangay na katabi ng Luningning ay sina lola ang nagsusuplay. Malakas daw sa school kapag recess.”

“May katulong ba yung matanda, Pinsan?”

“Yung apo niyang dala­ga.”

“Dalaga?”

“Oo.”

“Maganda naman?”

“Super ganda, Raul.”

Nagtawa si Raul.

“Ba’t ka nagtawa?” tanong ni Fred.

“Kapag nakainom na ang isang tao, ang tingin niya sa lahat ng babae ay maganda, he-he-he!”

“Hindi pa naman ako lasing Raul. Talagang maganda yung apo ni Lola Angela.”

“Dito kasi sa liblib, me maganda, pero wala yung super ganda.”

“Bahala ka kung ayaw mong maniwala.”

“Anong pangalan ng apo ni Lola?”

“Ganda.”

Nagtawa lalo si Raul. Ayaw maniwala. Ang akala siguro porke at nasa liblib ay wala nang maganda. Para bang sa bayan lang mayroong maganda. Ayaw niyang makipagtalo kay Raul. Bahala siya kung ayaw maniwala.

(Itutuloy)

AYAW

BAHALA

DUMAMPOT

LOLA

LOLA ANGELA

PINSAN

RAUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with