NAKAPENPAL ni Fred si Precy dahil sa kasamahan niya sa trabaho sa Riyadh na si Junior. Ibinigay nito sa kanya ang pangalan. Nalaman ng kasamahan niya na biyudo siya.
“Ilang taon na rin naman na biyudo ka Pareng Fred at siguro ay hindi masama kung maghanap ka ng makakatabi sa higaan. Mahirap ding puro kamay ang gagamitin mo. Baka magsugat yan e maimpeksiyon pa…”
Napangiti siya. Palabiro si Junior.
“Sulatan mo ito, bakasakaling magkasundo kayo e di makakahanap na ng butas ang manok mo. Mahirap talaga kung pala-ging palad ang gagamitin…”
“Dalaga?”
“Oo. At sigurado ako, birhen pa itong sinasabong ko sa’yo.”
“Hindi na uso ang birhen, Pareng Junior.”
“Birhen pa ito, sigurado ako.”
Nagtawa si Fred.
“Parang na-testing mo na, Pareng Junior.”
“Paano ko masasabing birhen kung natesting ko.”
“Puro ka biro Pareng Junior.”
“Basta sulatan mo ito at hindi ka magsisisi.”
Kinuha ni Fred ang papel na may name at addess ng babae. Itinago niya sa pitaka.
Nakalimutan na niya. Pero isang araw na nagkakalkal ng pitaka e nakita ang kapirasong papel na may pangalan at address ng babaing binigay ni Pareng Junior.
Naisipan niyang sulatan. Maikli lang ang ginawang sulat. Aba, pagkaraan ng isang linggo e may sagot na. Ang kasunod ay hindi na pagsusulatan kundi sa text na. Kasunod ay ang tawagan na.
Tuwang-tuwa si Pareng Junior sa nangyari.
“Kapag nagkataon e mayroon ka nang makakalaro sa higaan, Pareng Fred. At sigurado ako, match na match kayo. Maganda siya di ba?”
“Oo. Mukhang mahinhin.”
“Oo. Hindi kita ima-match sa malandi.”
“Type ko na nga e.”
“Kailan ba ang vacation mo?”
“Sa December.”
“Tamang-tama. Pagnagkita kayo, yayain mo nang pakasal para pagbalik mo rito, masayang-masaya ka na.”
Nagmulat si Fred. Tinanaw ang malawak na dagat. Malayo pa ang Calapan pier. Pumikit muli siya. Marami pang babalikan sa nakaraan. (Itutuloy)