^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (75)

- Ronnie M. Halos -

TILA ba iisa ang nasa isip namin ni Jesusa kung sino ang drayber ng na­hulog ng pulang SUV sa bangin. Pero hindi pa rin kami makatiyak.

“Ang haba na ng trapik, Per. Imposible na siguro tayong makalusot diyan.”

“I-park ko muna roon. Kapag nawala na ang trapik saka tayo tumuloy.”

“Makiusyuso ka nga Per. Para kasing…”

“Kinukutuban ka kung sino ang naaksidente?”

“Oo.”

Dinala ko sa safe na lugar ang kotse. Marami na rin palang naka-park na sasakyan doon. Naghi­hintay lumuwag ang trapik.

Bumaba ako at nag­tanung-tanong. Isang may edad nang drayber ng dyipni ang pinagtanungan ko kung ano ang nangyari.

“Nagdayb sa bangin ang sasakyan. Pula ang kulay. Hindi nag-menor sa kurbada kaya bumaliktad at tuluy-tuloy na.”

“Nakuha na po ba yung sakay?”

“Kinukuha pa lang nga­yon. Nahihirapan ang rescuers dahil naipit ang lalaki sa loob. Gagamitan daw ng acytelene para butasin yung ilalim ng sasakyan. Kasi nakataob.’’

‘‘Ano raw kayang nang­yari at nagdayb?’’

“Mabilis ang takbo. Sabi nung drayber ng dyipni na nasa hulihan ng sasakyang naaksidente, baka hindi taga-rito ang drayber. Hindi kabisado ang daan. Baka raw naka-shabu ang lalaki.”

Napatango ako.

“Matagal pa po kaya bago maalis ang sa­sak­yan?”

“Kanina pa yan diyan. Siguro e baka malapit-lapit na.’’

Nakiusyuso pa ako sa nahulog na sasakyan. Bu­maba ako para ganap na makita kung ano ang sa­sak­yang nahulog. Nakita ko.

Hindi ako magkakamali, ang sasakyang iyon ay kay Rebo. Hindi ko malilimutan ang kulay sapagkat ilang beses ko na ring nakita ang sasakyang iyon.

Maaaring sinundan kami ni Rebo at sa sobrang bilis ng takbo, nagdayb siya! Baka nga totoo naka­pag-shabu. Hindi na niya napansin ang ma­bagsik na kurbada.

Agad akong bumalik sa kotse para ibalita kay Jesusa ang nakita ko.

Tiyak na mabibigla si Jesusa sa ibabalita ko.

Pero kinabahan ako nang hindi makita si Jesusa sa loob ng kotse.

“Jesusa! Jesusa!”

Pero maraming beses na akong sumisigaw pero wala pa rin. Nasaan kaya ang babaing yun?

(Itutuloy)

AKO

ANO

BUMABA

JESUSA

PERO

REBO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with