^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (73)

- Ronnie M. Halos -

MALAMLAM ang ilaw sa kuwarto. Sapat ang tapon ng liwanag para makita namin ang isa’t isa. Si Jesusa ang nagsuhestiyon niyon. Ayon sa kanya, takot siya sa dilim. Kahit lang daw kaunting liwanag sa kuwarto ay ayos na sa kanya. Huwag lang totally madilim. Siguro’y naaalala niya ang madilim na kahapon sa kamay ng manyakis na doctor na nagpasasa sa mura niyang katawan. Siguro, pinatay ng manyakis na doctor ang ilaw nang lurayin siya. Iyon marahil ang dahilan kaya takot siya sa dilim.

Nakikita ko ang mga mata ni Jesusa. Nakatingin sa akin. Ngumiti siya. Lalo siyang naging maganda sa paningin ko.

Umisod ako. Nasanggi ko ang hita niya. Napakakinis ng hita niya. Naalala ko nang binobosohan ko siya habang ako ay nasa itaas ng punong mangga. Noon pawang sa panaginip ko lamang binibigyang buhay na katabi ko si Jesusa at nagmamahalan kami. Akalain ko bang magkakaroon ng katuparan ang nililikha ko sa panaginip? Eto na at katabi ko na si Jesusa.

Walang namamagitang salitaan sa amin. Tinginan lang. Nagkakaunawaan   na. Nagkakaintindihan na kami.

Niyakap ko si Jesusa. Marahan ang pagkaka- dampi ng kamay ko sa katawan ni Jesusa. Nasapo ko ang maliit na baywang. Kinabig ko. Nagkadikit na ang aming mga katawan. Unti-unting sumisiklab ang init. Dahan-dahan. Yuma-kap na rin si Jesusa. Lalo nang sumiklab ang init. Nagsanib na ang init ng aming mga katawan.

Hinanap ng labi ko ang labi ni Jesusa. Nagtagpo. Parehong uhaw ang aming mga labi. Matagal na nagdikit.

Punumpuno kami ng pagmamahal sa bawat isa sa pagkakataong iyon. Pakiwari ko, nasa isang paraiso kami ni Jesusa. Nasa isang halamanan kami. Nakalatag ang aming hubad na katawan.

(Itutuloy)

AKALAIN

AYON

DAHAN

ETO

HINANAP

HUWAG

ITUTULOY

JESUSA

SI JESUSA

SIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with