Ang kapitbahay kong si Jesusa (72)
“BALAK mo pa yata akong pag-isahin sa isang kuwarto Per. Paano kung biglang dumating si Rebo at…”
“Oo nga pala. Hinahabol nga pala tayo ng hayop.”
“Sa palagay mo, nasundan tayo?”
“Hindi siguro. Kung nasundan tayo sana nakabuntot. Mas mabilis ang sasakyan niya dahil bago.”
“Sana nga hindi tayo nasundan. Nagsasawa na akong magtago sa Rebo na yun.”
“Sabi ko nga sa’yo haharapin ko na kapag nasundan pa tayo. Hindi ko naman aatrasan yun.”
“May baril yun at saka patapon ang buhay. Ikaw, matino. Kawawa naman ako kapag napatay ka niya. Maaga akong mabibiyuda. Iwasan na lang natin siya.”
Nakadama na naman ako ng pagmamalaki.
“Pagbalik natin sa Maynila, ihanda na natin ang kasal.”
“Kahit simple lang. Per. Ang mahalaga e mayroon na tayong bigkis.”
“Ang lalim mo namang magsalita, Jesusa,”
Gabi na. Nasa kuwarto na kami ni Jesusa. Katamtaman ang lamig ng kuwarto. Walang kaingay-ingay ang aircon. Nakahiga sa kama si Jesusa. Ako naman ay nasa silya. Naka-tshirt lang si Jesusa. Mahaba ang t-shirt. Naka-panty lang. Ako ay naka-tshirt lang at brief.
“Halika na, Per.”
Hindi ako makakilos. Ngayon na yata magsisimula ang pagsasa-ma naming tuluyan ni Jesusa. Ngayong gabi na kami mag-iisa. Hindi na siya takot. Wala nang naaalalang masakit na kahapon.
Tumabi ako kay Jesusa. Nalanghap ko ang bango niya. Ang ganda ni Jesusa.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending