Ang kapitbahay kong si Jesusa (69)

NAKAHARAP ako sa may pintuan kaya mabilis kong nakita ang pagpasok ng la­ laking hindi ko mali­limutan ang mukha — si Rebo. Si Jesusa ay kaharap ko kaya hindi niya nakikita ang papasok na si Rebo.

“Huwag kang li­ lingon, Jesusa!”

“Bakit?” Nasa muk­ha niya ang pagka­gulat.

“Si Rebo, nakita kong pumasok.”

“Sigurado ka?”

“Oo. Hindi ko ma­li­li­mutan ang mukha niya.”

“Nasaan na, Per?”

“Nagtungo sa ka­bilang wing nitong restaurant. Mabuti at hindi rito. Malamang ma­kita ka.”

“Kailangan maka­labas na tayo rito. Baka dito pa gumawa ng kalokohan ang gagong yan.”

“Huwag ka munang tatayo at titingnan ko kung saan nakapu­westo. Baka paglabas natin e makita tayo. Diyan ka lang muna.”

“Bumalik ka agad Per.”

Tumayo ako at tinu­ngo ang kabilang wing. Marami nang kumakain. Ako man ay nag-ingat. Baka natatandaan ako ni Rebo at kausapin ako.

Nakita ko ang kinaro­roonan ni Rebo. Nasa sulok na mesa pero delikadong paglabas naming sa pinto ay makita si Jesusa. Naka­harap sa may pinto si Rebo.

Habang patungo kay Jesusa ay nag-iisip ako ng paraan kung paano makakalabas si Jesusa na hindi makikita ni Rebo.

Naalala ko na may­roon akong malaking sombrero sa kotse. Ginamit iyon ng isang model namin. Mayroon din akong bandana na maaaring itakip nang bahagya sa mukha. Mabilis akong nagtungo sa kotse at kinuha ang mga iyon.

Takang-taka si Je­susa nang makita ang mga dala ko.

“Magtungo ka sa com­fort room at isuot ito. Delikadong makita ka ni Rebo kapag hindi ka nagbalatkayo.”

Sinunod ako ni Jesusa. Makaraan ang ilang minuto ay luma­bas na si Jesusa at maski ako ay hindi siya nakilala. Bagay sa kanya. Mahusay mag­ba­latkayo si Jesusa. Model nga pala siya kaya madaling buma­gay ang anumang isu­suot.

“Sumabay tayo sa mga taong lumalabas. Basta huwag kang titingin dun sa dulo. Andun siya at naka­tingin sa may pinto.”

Lumabas na kami. Eksakto namang may mga palabas din ng mga taong kumain. Sumabay kami. Hindi kami humihinga ha­bang humahak­bang palabas.

Nakarating kami sa pinto.

“Dali Jesusa!”

Nagmamadali ka­ming nagtungo sa kinapaparadahan ng aking kotse. Para namang nananadya ang pagkakataon. Sa parking, katabi ng kotse ko ang SUV ni Rebo!

(Itutuloy)

Show comments