^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (63)

- Ronnie M. Halos -

NAPUNO ng tao ang salas. Bawat pumasok ay deretso sa kabaong at sinisilip ang ina ni Jesusa.

“Parang natutulog lang,” sabi ng babaing nakasilip.

“Maganda pa rin ano kahit nagkasakit,” sabi naman ng isang nakasilip din.

Ang mga sumunod ay may mga sinasabi pero pawang pamumuri sa ina ni Jesusa. Wala akong narinig na may kaugnayan sa asawang nag-abandonado. Siguro ay iniiwasang mapag-usapan ang paksang iyon dahil nahihiya kay Jesusa. Siyempre, iginagalang din naman ang nakaburol. Bilang panghuling paggalang ay walang ikokomento sa mga nangyari sa ina ni Jesusa.

Nang magmadaling araw ay nawala na ang mga tao at kami na lamang ni Jesusa ang nasa salas at nakabantay sa nakahimlay na ina.

“Matulog ka muna Per. Dun sa kuwarto ko. Wala nga lang aircon pero me maliit na electric fan. Wala ka pang pahinga mula nang galing tayo sa Maynila.”

“Kaya pa Jesusa. Sasamahan na kita.”

“Magkape muna tayo.”

“Sige. Tapangan mo ang sa akin para malabanan ang antok.”

Tumayo si Jesusa at nag­tungo sa kusina. Ang mga ka­­patid niya ay pawang natutulog na. Ni hindi man lang masamahan si Jesusa sa pagbabantay sa kanilang ina. Kawawa talaga si Jesusa.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng salas. Lumang-luma na. Kaninang may mga tao rito, pakiramdam ko ay yumayanig. Mahina na yata ang mga haligi. Ayon kay Jesusa, ang bahay na ito ay nabili ng kanyang ina at ama. Noon ay maayos pa ang pagsasama ng kanyang mga magulang. Maayos daw ang kita ng kanyang ama noon kaya nabili ang bahay na ito. Hanggang sa mambabae na nga at inabandona na sila.

Nakita ko ang paglapit ni Jesusa. Nasa tray ang dalawang tasa ng umuusok na kape. Ibinaba sa mesitang nasa kaliwa ko.

“Inumin mo habang ma­init Per.”

Kinuha ko ang isang tasa. Humigop. Mainit pero kaya ko. Masarap ang hagod.

“Masarap ka talagang magtimpla, Jesusa.”

“Tsamba lang.”

“Kailan ang balak mong ilibing ang inay mo?”

“Sa Linggo na, Per. Tama na ang tatlong araw na burol.”

“Oo para naman ma­ka­pagpahinga ka na sa hirap at pagod. Pakiramdam ko sa’yo pagod na pagod ka na Jesusa…”

“Matagal na Per. Mabuti nga nakilala kita. Nagkaroon ako ng karamay. Saka na lamang kita babayaran…”

“O ayan ka na naman. Magagalit na ako sa’yo.”

“Babayaran din kita, basta.”

Tiningnan niya ako nang makahulugan. Ano kayang ibig niyang sabihin?

(Itutuloy)

ANO

AYON

BABAYARAN

JESUSA

MASARAP

SA LINGGO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with