Ang kapitbahay kong si Jesusa (45)

“PALIBHASA’Y wala akong kahina-hinala kay Doktor, tinanggap ko ang kuwintas at isinukat ko. Tamang-tama sa leeg ko. Noon lang ako nagkaroon ng alahas. Sabi ni Doktor, bagay na bagay daw sa akin ang kuwintas. At nagbilin muli na huwag kong sasabihin kay Mam na binigyan niya ako. Basta itago ko raw at isuot lamang kapag may okasyon.

“Wala talaga akong kahina-hinala kay Doktor na ang pagiging mabait niya sa akin ay mayroon pala siyang binabalak na masama. Kasi naman ay talagang kagalang-galang ang itsura niya. Sino ang magsasabing ang isang di-makabasag pinggan na doktor ay mahilig pala sa birhen na katulad ko. Yung mga bata na katulad ko pala ang gusto niyang angkinin. Mahilig siya sa sariwang laman na hindi pa natitikman o nalalawayan.

“Nangyari iyon noong dumalo sa isang conference si Mam sa isang probinsiya. Isang linggong mawawala si Mam. Sabi sa akin ni Mam, ako na lang daw muna ang bahala kay Doktor. Huwag daw muna akong umuwi sa aming bahay dahil kawawa naman kung walang maglalaba at magluluto para kay Doktor. Yun daw mga lulutuin ko para kay Doktor ay may mga label na at nasa refri-gerator. May instruction na rin daw. Sabi ni Mam, bibigyan na lamang daw niya ako nang dagdag na suweldo pagdating niya galing sa conference.

“Nang makaalis si Mam ay walang nabago sa schedule ko. Maglalaba sa umaga, maglilinis ng bahay at pagkakain ng tangha- lian ay papasok sa school. Si Doktor naman ay patuloy sa panggagamot. Mara-ming pasyente sa salas ng bahay.

“Pero nagtaka ako ng araw na iyon sapagkat wala akong nakitang pasyente sa salas. Himala! Wala yatang nagkasakit sa araw na iyon. Sa buong panahon ng pagtira ko kina Mam ay noon ko lamang nakita na malinis sa salas. Hindi ko pa nakikita si Doktor. Siguro’y tulog pa o baka nagbabasa sa kuwarto nila.

“Ganoon man hindi ko binigyang-pansin kung merong pasyente o wala. Ipinagpatuloy ko ang paggawa. Naglaba, naglinis at nagluto. Pagkaraan ay naligo na ako.

“Sarap na sarap ako sa paliligo. Pinawisan ako sa paglilinis ng bahay kaya sinulit ko sa paliligo. Nagsabon akong mabuti. Banlaw. Sabon uli. Nang nagbabanlaw na ako, may narinig akong katok sa pinto. Mahina lang. Hindi ko pinansin. Baka may bumagsak lang sa may pinto. Pero nang may marinig akong tawag, nataranta na ako. Si Doktor ang tumatawag! Hindi ako maaaring magkamali!

(Itutuloy)

Show comments