Ang kapitbahay kong si Jesusa (42)

“IKAW lang ang pagkukuwentuhan ko nito, Per. Maski sa itinuring kong kaibigan noong nagmomodel pa ako, hindi ko ito sinabi. Sinarili ko na lang. Pero ngayong sobra na ang mga nadarama kong pasanin, siguro makakatulong din ang pagsasabi sa iyo para gumaan ang mga dalahin ko.”

Mabigat nga ang mga nangyari sa kanya.

“Ano ba yun?”

“Nagahasa ako noong 13-anyos ako. Asawa ng teacher ko noong nasa first year high school ako.”

Shock ako!

“Paanong nangyari?”

“Inabandona nga kami ng walanghiya kong ama. Nakisama sa ibang babae. Si Inay ay iyak nang iyak dahil doon. Mahina kasi si Inay. Sabi ko sa kanya, huwag nang iyakan ang isang iresponsable. Kailangang kumilos para mabuhay.

“Dahil ako ang panganay, ako ang nagplano kung paano kami uusad. Sabi ko sa mga kapatid ko, kailangang maghanap kami ng mapapagkakitaan. Kailangang magtulung-tulong. Yung sumunod sa akin, tumulong na tagabalot ng pastillas. Yung pangatlo, nagtinda ng ice candy. Yung dalawa pa ay masyado pang maliit para maghanapbuhay kaya sila ang kasama ng aking inay sa bahay. Ako ay nakiusap sa aking teacher na magpapaalila sa kanila para makatapos ng high school. Mabait naman ang aking teacher. Pumayag na maging katulong sa kanila at bukod sa babayaran ang aking tuition ay bibigyan pa ako ng allowance. Doktor ang asawa ng aking teacher…”

Naiimadyin ko na ang mga susunod na mangyayari kay Jesusa. At gusto kong magalit sa kanyang iresponsableng ama.

Nagpatuloy si Jesusa.

“Nang makita ako ni Doktor ay napansin ko na ang kanyang walang kakurap-kurap na pagkakatingin sa akin. Ayaw kong bigyan ng malisya ang pagkakatingin niya pero sa pakiwari ko, hinuhubaran niya ako. Kasi naman ay dalagang-dalaga na ang tindig ko. Kahit trese anyos lang ako e maganda na ang sibol ng boobs, makinis ang kutis at maganda raw ako sabi nila…”

(Itutuloy)

Show comments