^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (39)

- Ronnie M. Halos -

SABAY-SABAY din kaming lumuwas ng Maynila pagkaraan ng dalawang araw sa Balayan. Nang maghiwa-hiwalay kami pagdating sa Maynila ay niyakap ako ni Bernie.

“Salamat, Per sa tulong mo. Nabawasan na ang pag-alala ko.”

“Kapag naaprubahan na lahat ni Mr. Diegs itong trabaho natin saka ka magpasalamat sa akin, Bernie.”

“Ina-advance ko na, Per. Alam ko aaprubahan lahat ‘yan.”

Ngumiti na lang ako. Kakaiba ang nakita kong liwanag sa mukha ni Bernie.. Punumpuno iyon ng pag-asa.

Pati si Frankie ay niyakap niya at nagpasa-lamat.

Pagkatapos niyon ay nagmamadali akong umuwi. Gusto kong malaman kung umuwi na si Jesusa o hindi pa.

Nasa may gate pa lang ako ng aking bahay ay alam kong may tao sa loob. Kinabahan ako. Si Jesusa lamang ang maaaring makapasok sa bahay ko dahil meron siyang duplikadong susi. Kung siya nga ang nasa loob, magiging masaya ako.

Pumasok ako sa gate. Humahakbang pa lamang ako papasok ay nakita kong may lumabas na tao. Si Jesusa!

“Per!” tawag nito.

Nagmamadali akong pumasok.

“Nagkusa na akong pumasok, Per. Kasi kahapon ng hapon, nang umuwi ako e natanaw kong patungo na naman dito ang hayop na si Rebo.”

“Okey lang. Mabuti nga at ganun ang ginawa mo.”

“Mabuti nga at malayo pa ang sasakyan niya ay nakita ko na kaya madali akong nakapasok dito sa gate mo.”

“Ibig mong sabihin, hindi ka sa bahay mo inabot?”

“Hindi. Dito nga muna ako sa bahay mo nagdaan para makita ka, kaso wala ka pala. Nang lumabas ako, saka ko nakita ang pagdating ni Rebo. Bumalik uli ako rito sa loob.”

“Mabuti at ganun ang naisip mo. E saan ka ba nanggaling at bigla kang nawala?”

“Sa probinsiya. Masama ang lagay ng inay ko. Tinawagan ako ng mga kapatid ko at biglang pinauwi. Kasi’y parang hindi na raw tatagal si Inay.”

Naalala ko ang model naming si Bernie na maysakit din ang ina pati pala itong Jesusa ay maysakit din ang ina.

“Hindi na ako nakapagpaalam sa’yo, Per, kasi nga biglaan.”

“Kinabahan nga ako Jesusa. Bigla kong naisip na baka may ginawa sa’yo si Rebo.”

“Palaki nang palaki ang problema ko. Pero makakaya ko ito. Mabuti na lang at narito ka Per.”

“Kung ano ang matutulong ko, sabihin mo lang.”

“Hirap na hirap na ako, Per,” sabi at saka umiyak.

(Itutuloy)

AKO

BERNIE

JESUSA

KASI

KINABAHAN

MAYNILA

REBO

SI JESUSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with