Ang kapitbahay kong si Jesusa(37)
NAGHAHANAP nang makakapitan si Bernie. Para sa kanya kailangang may malakas na mahahawakan para manatili sa trabahong pinasok. At ako ay naisipan niyang kapitan. Sa palagay niya, epektibo ako para magtuluy-tuloy ang pagmomodelo niya sa MATIKAS magazine.
Naalis na lahat ang butones ng blusa ni Bernie. Ibinukas. Parang nagbukas ng pinto. Lumantad ang dalawang “kambal na bundok”. Makinis na makinis. Kulay rosas ang gitna ng mga bundok. Sariwang-sariwa. Tila wala pang gaanong karanasan.
“Kaya kong gawin ang anuman, Per. Basta tulungan mo lang ako. Ikaw lang ang alam kong makakatulong para maging permanente akong modelo ng magazine,” sabi ni Bernie na seryosong-seryoso sa sinasabi.
Kanina, habang nasa van kami at patungo sa lugar na ito, marami na akong naiisip na gawin kay Bernie sakali at mapag-isa kami. Kung kaya ni Frankie na gumalaw ng babae, kaya ko rin. Kung kaya niyang magpaligaya ng babae, kaya ko rin. Mas madali kong magagawa dahil type ko naman ang beauty ni Bernie at bukod dun batambata.
Pero ngayon, tila ba binuhusan ang pagnanasa ko kay Bernie. Kung gaano ang pagkahayok ko kanina na talo pa ang gutom na aso, ngayon mistula na akong maamong tupa. Iyon ay matapos sabihin ni Bernie na kailangan niyang manatiling model ng MATIKAS para may maipagpagamot sa ina. Nawala ang paghahangad sa akin.
“Per, puwede mo akong gamitin, pero tulungan mo rin ako. Wala kang maririnig sa aking pagtutol. Gusto ko lang kumita para sa inay ko.”
Hindi ko matingnan si Bernie. Nakalantad pa rin ang kagandahan niya. Pero balewala na sa akin ang kagandahang iyon.
“Matutulungan naman kita Bernie kahit na walang kapalit.”
Hindi makapaniwala si Bernie. Matagal bago naka-kilos. Pero nakita kong unti-unting itiniklop ang blusa.
At pagkaraan ay tahimik na umiyak.
“Hindi mo kailangang magpagamit para lamang manatili sa puwesto. Sige, ituloy na natin ang session. Puwede kang maghubad pero, trabaho lang. Walang libog. Walang malisya.”
“Salamat Per. Akala ko kagaya ka ng iba.”
Ngumiti lang ako.
Ipinagpatuloy namin ang session. At mas lalo akong naging inspirado. Mas magaganda pa ang nagawa kong sketches. Mas marami akong nagawa kaysa sa nakaraang session noon sa Nagcarlan. At natitiyak ko, sa dami ng nagawa kong sketches, mananatili si Bernie sa pagmomodel sa aming magasin. At magtutuluy-tuloy ang pagkita niya para sa kanyang inang maysakit.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending