Ang kapitbahay kong si Jesusa(33)

BUMABA ang sakay ng taxi. Isang babae ang nakita ko, mga 30-anyos siguro, sa tingin ko ay alalay at taga-make-up. Kasunod ng babae ay isang babae pa rin na mahahaba ang biyas. Hakab na hakab ang suot na jeans kaya kitang-kita ang kurbada ng katawan. Naka-long sleeves ng puti. Maganda, katamtaman ang taas, tamang-tama ang pagiging kayumanggi. Makinis. Tsinita. Mas maganda kaysa kay exotic Mira na marusing ang dating sa akin.

“Ano Per, maganda?” tanong sa akin ni Frankie na tila naglalaway na sa gutom.

“Maganda. Ano bang pangalan?’’

“Hindi ko nga rin alam dahil kahapon lang sinabi ni Bossing. Mabilisan daw ang pagkakakuha niya sa model na ‘yan. Mabuti at nagkasundo agad.”

Ibinukas ni Frankie ang pinto ng van. Pumasok muna ang alalay na may dalang bag. Kasunod ng alalay ay ang model na. Mas maganda sa malapitan.

“Dito ka,” sabi ni Frankie sa model.

Tinungo ang upuan. Naupo.

‘‘I’m Frankie, your photog. Kumusta?”

“Ako naman si Bernie. I’m 19 years old. Taga-QC.”

“Siyanga pala siya naman si Per, ang artist natin,’’ Inginuso ako ni Frankie.

‘‘Hi Per. Kumusta ka?”

‘‘Mabuti naman, Bernie,” sabi ko.

Maya-maya ay napansin kong umuusad na kami. Hanggang sa tuluyan nang makalabas sa compound ng aming kompanya. Bumilis nang bumilis ang aming takbo sa highway.

Habang tumatak­bo, si Jesusa naman ang aking na-iisip.

Nasaan na kaya ang babaing iyon at bigla na lamang nawala?

Baka nga kaya may nangyari nang masama.

(Itutuloy)

Show comments