MANILA, Philippines - UMAKYAT na yata ang talangka sa ulo ko at nag-iimadyin na makuhang modelo o cover girl ng Matikas si Jesusa. Mahirap mangyari yun. Paano makukuhang cover girl si Jesusa ay hindi ko pa nga siya lubusang nakikilala. Bukod doon, mukhang maraming problema si Jesusa. Palagay ko, ang lalaking dumating sa kanyang bahay ay dati niyang siyota at nag-break na sila. Bumabalik ang lalaki pero ayaw na ni Jesusa. Mukhang sira-ulo ang lalaki dahil nagbanta pang magpapakamatay. Nang hindi mangyari ang bantang pagpapakamatay, tinangkang puwersahin si Jesusa pero patay kung patay pala ang babae at muntik nang masaksak ang sira-ulong lalaki.
Maari rin namang “kabit” si Jesusa ng lalaki. At uma ayaw na si Jesusa. Sawang-sawa na raw siya.
Nagpasya akong huwag nang umakyat sa punong mangga. Nilabanan ko ang sarili. Kung anu-ano na lang ang nakikita ko at naoobserbahan sa kapitbahay kong babae. Okey lang kung “silip” sa katawan niya ang mangyayari pero hindi, pati sariling buhay niya, nahuhukay ko na. Mahirap nang masangkot sa buhay ng ibang tao. At sa nakita kong tagpo, baka nga isang araw e magkamatayan sa bakuran ni Jesusa. Maaaring siya o ang lalaking dumating ang bumulagta.
Meron akong pinagkaabalahan para hindi na umakyat sa punong mangga. Iginuhit ko na lamang sa canvas ang tagpong nakita ko noon habang naliligo si Jesusa. Iyon ang tagpong hawak niya ang hose ng tubig at saka pinasisirit sa loob ng basambasang t-shirt. Bakat na bakat ang katawan at aninag ang malulusog na suso.
Napakagandang tagpo niyon. Mas maganda pa iyon kaysa sa pagkakaguhit ko kay exotic Mira habang hubad na nakatago sa isang bato sa isang resort sa Nagcarlan. Kung makikita ni Mr. Diegs ang ginuhit ko kay Jesusa, baka agad akong utusan na hanapin ang aking modelo.
Magandang libangan ang pagpipinta ko kay Jesusa. Nalimutan ko nang umakyat sa punong mangga. (Itutuloy)