^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (22)

- Ronnie M. Halos -

MANILA, Philippines - UMAKYAT na yata ang talangka sa ulo ko at nag-iimadyin na makuhang modelo o cover girl ng Matikas si Jesusa. Ma­hirap mangyari yun. Pa­ano makukuhang cover girl si Jesusa ay hindi ko pa nga siya lubusang nakikilala. Bukod doon, mukhang maraming prob­lema si Jesusa. Palagay ko, ang lalaking dumating sa kanyang bahay ay dati niyang siyota at nag-break na sila. Bumabalik ang lalaki pero ayaw na ni Jesusa. Mukhang sira-ulo ang lalaki dahil nagbanta pang mag­pa­pakamatay. Nang hindi mangyari ang bantang pagpapakamatay, tinang­kang puwersahin si Jesusa pero patay kung patay pala ang babae at muntik nang masaksak ang sira-ulong lalaki.

Maari rin namang “kabit” si Jesusa ng lalaki. At uma­ ayaw na si Jesusa. Sa­wang-sawa na raw siya.

Nagpasya akong huwag nang umakyat sa punong mangga. Nilabanan ko ang sarili. Kung anu-ano na lang ang nakikita ko at naoob­serbahan sa kapitbahay kong babae. Okey lang kung “silip” sa katawan niya ang mangyayari pero hindi, pati sariling buhay niya, nahuhukay ko na. Mahirap nang masangkot sa buhay ng ibang tao. At sa nakita kong tagpo, baka nga isang araw e magkamatayan sa bakuran ni Jesusa. Ma­aaring siya o ang lalaking dumating ang bumulagta.

Meron akong pinagka­aba­lahan para hindi na umakyat sa punong mang­ga. Iginuhit ko na lamang sa canvas ang tagpong nakita ko noon habang naliligo si Jesusa. Iyon ang tagpong hawak niya ang hose ng tubig at saka pinasisirit sa loob ng basambasang t-shirt. Bakat na bakat ang katawan at aninag ang malu­lusog na suso.

Napakagandang tagpo niyon. Mas maganda pa iyon kaysa sa pagkaka­guhit ko kay exotic Mira habang hubad na naka­tago sa isang bato sa isang resort sa Nag­carlan. Kung makikita ni Mr. Diegs ang ginuhit ko kay Jesusa, baka agad akong utusan na hanapin ang aking modelo.

Magandang libangan ang pagpipinta ko kay Je­su­­sa. Nalimutan ko nang umak­­­yat sa punong mang­­ga. (Itutuloy)

BAKAT

BUKOD

BUMABALIK

IGINUHIT

ITUTULOY

IYON

JE

JESUSA

MR. DIEGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with