BASA na ako. Malakas ang buhos. Kahit na makapal ang dahon ng mangga, hindi kayang harangin ang malakas na buhos. Pero kaya kong tiisin ang pagkabasa o maski na lamigin pa ako, basta maganda lang ang panonoorin. Hindi ako bababa.
Bitbit ng babae ang pan dukal ng lupa. Gumawi sa pader na nasa tapat mismo ng manggang kinaroroonan ko. Dinukal ang lupa na may mga tanim na santan at iba pang halaman na hindi ko kilala. Ganoon na naman ang style niya sa pagdudukal ng lupa. Nakatungo. At nabuyangyang sa suot na t-shirt ang “kambal na bundok”. Pero dahil basa na ang t-shirt, kahit na hindi siya tumungo ay malinaw ko nang nakikita ang mga cute na “bundok”. Bakat na bakat ang katawan sa basang puti na t-shirt. Lalong gumanda ang babae sa tingin ko dahil nabasa ang hanggang balikat na buhok.
Wala akong kakilus-kilos sa pagkakaposisyon sa itaas ng mangga. Sigurado ang pagkakakapit ko at baka mahulog. Naramdaman ko, kapag basa pala ang punong mangga, madulas ito. Kaya doble ang pag-iingat at baka mahulog. Kapag nahulog ako, swak sigurado ako sa pader at makikita ako ng babae. Bistado ang paninilip ko.
Tumigil ang ulan. Parang hinawi. Kung gaano kalakas nang dumating ay ganoon naman kabilis na nawala.
Natapos dukalin ng babae ang mga tanim. May nakita akong putik sa mga kamay. Akala ko tapos na siya. Akala ko papasok na sa loob ng bahay. Pero sa gilid lamang pala ng bahay nagtungo at nang magbalik, dala ang isang hose. Ikinabit sa isang gripo na malapit din sa pader na nasa tapat ng mangga. Bumulwak ang tubig sa hose. Itinapat ng babae ang hose sa kanyang ulo at pagkatapos ay sa katawan. Hindi ako humihinga. Lalong namakat ang katawan nang mabasa ng tubig. Napalunok ako.
Pinagbuti ko ang pagkakawahak sa sanga. Mas maganda pa ang susunod na panoorin. Nakikita kong doon na maliligo ang babae.
(Itutuloy)