^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (Simula)

- Ronnie M. Halos -

NOONG 1990 ko pa nakuha ang 100 square meter lot na iyon sa isang subdibisyon sa Novaliches. Bunggalow ang bahay at may dalawang kuwarto. Unti-unti ay ipinaremodel ko ang bahay. Pinaganda. Pero hindi ko pinalagyan ng second floor dahil ako lang naman ang titira. Dadalawa kaming magkapatid. May sarili nang pamilya ang kapatid ko at mas maganda ang buhay dahil maganda ang trabaho. Ang mga magulang namin ay nasa probinsiya. Nang una kong mabili ang bahay at lote ay sinabi ko sa aking ama at ina na dito na tumira para hindi na ako uuwi sa aming probinsya sa Laguna. Pero sabi ni Inay ay baka manibago sila kapag tumira sa Maynila. Sa probinsiya raw ay presko ang hangin. At isa pa meron silang tindahan. Si Itay naman daw ay may mga alagang manok sa likod ng bahay at meron ding gulayan. Pero maaari raw silang magbakasyon nang hanggang isang linggo sa aking bahay. Sinabi pa ni Inay, bakit daw kasi hindi pa ako mag-asawa e nasa edad na naman ako. Sabi ko kay Inay wala pa akong nagugustuhan. Pero dara-ting din iyon.

Kaya ang nangyari ay nagsolo ako sa pagtira sa aking “magandang bahay”. Cute para sa akin. Bawat kuwarto ay pinalagyan ko ng aircon. Yung space ko sa tagiliran ay tinaniman ko ng Indian mango para magsilbing lilim. Nang lumaki ang mangga ay nilagyan ko ng upuan sa paligid. Pinataasan ko ang magkabilang pader. Kaya hindi makita ang aking mga kapitbahay sa kaliwa, kanan at sa likuran. Gusto ko ay may privacy.

Hindi ko namamalayan na tumataas nang tumataas ang mangga sa gilid ng bahay hanggang ang mga sanga ay umabot sa bubong ng aking bunggalow.

Minsang humangin nang malakas ay hinampas nang hinampas ng sanga ng mangga ang bubong ng bahay. Hindi ako nakatulog sa magdamag dahil sa ingay.

Kinaumagahan, nagha­nap ako ng taong maaa-ring upahan para akyatin ang mangga at putulin ang sanga pero wala akong makita. Busy ang mga tao ng panahong iyon.

Wala akong nagawa kundi akyatin ang mangga. Ako na ang puputol sa sanga ng mangga. Dala ko sa pag-akyat ang matalas na itak.

Lampas na sa bubong ang mangga. Mas mataas din kaysa sa pader na nasa gawing kanan. Mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ko ang bahay ng aking kapitbahay. Nakatunghay ako sa bahay na malawak din pala ang bakuran.

Tinaga ko ang sanga na perwisyo sa aking bubong. Dalawang sanga ang nataga ko. Naalis ko ang perwisyong sanga.

Bababa na sana ako sa puno nang mapansin ko ang isang babae sa ka­bilang bahay. Mukhang may gagawin sa bakuran. May bitbit na pandukal ng lupa. Siguro ay dudukalin ang mga tanim sa tabi ng pader. Naka-shorts ang babae at maluwang na t-shirt. Halatang walang bra dahil naaaninag ko ang mga      “papaya”. (Itutuloy)

AKING

AKO

BAHAY

INAY

KAYA

MANGGA

NANG

PERO

SANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with