WALANG katulad na kali gayahan pala ang makakamtan ng isang katulad kong makasalanan na nagsisi. Napatunayan ko na walang imposible kung hihilingin sa Diyos na pagkalooban ng isang lalaking totoong magmamahal. Si Stephen ang lalaking iyon. Siguro nga ay para kami sa isa’t isa sapagkat isang buwan makalipas ang aming kasal, nakaramdam na ako ng pagkahilo at pagduduwal lalo sa umaga. Nang sabihin ko kay Stephen ay alalang-alala siya.
“Halika at dadalhin kita sa doctor. Baka kung ano na ‘yan,” sabi ni Stephen at ina lalayan ako sa pagbangon. Gusto ko’y laging nakahiga at laging tinatamad kumilos.
Wala kaming kahina-hinala na iyon na pala ang sintomas ng pagbubuntis.
Nang malaman namin ang resulta, halos buhatin ako ni Stephen. Magiging daddy na siya! Sabi pa, hindi raw pala siya baog. Kasi nga’y hindi sila nagkaanak ni Trina at nagdududa siya na baka baog siya. Kasi nga’y naging sugapa siya sa droga. Baka naapektuhan ang pagkalala- ki niya. Ngayon ay napatunayan ni Stephen na kaya niyang bumuntis.
Ako man ay labis na natuwa sapagkat hindi ko akalain na magbubuntis agad ako. Naiisip ko, baka dahil sa nagpa-abort ako noon at grabeng dinugo ay hindi na magbubuntis. Baka parusahan ako dahil sa ginawa kong pagpatay sa aking nasa sinapupunan. Hindi pala. Mahal ng Diyos ang sinumang nagsisisi sa ginawang kasala nan at nangakong tatalikdan na ang mga ginawang kamalian.
Isang malusog na sanggol na lalaki ang aking isinilang. Kahit na baby pa, halatang kuhang-kuha ang feature ng mukha ni Stephen. Hindi ma ipaliwanag ang kasayahang nadama ni Stephen nang isilang ang aming panganay. Paano nga kaya kung binigo ko si Stephen noon? Paano kung tumanggi ako sa kanyang ini-luluhog na pag-ibig? Baka nga bumalik siya sa pagiging addict. Kawawa naman kung nagkaganoon. Pero sa totoo lang, wala naman akong balak na biguin siya dahil mahal ko rin siya. Unang pagkakita ko pa lamang sa kanya sa pagtitipon na dinaluhan ko ay malakas agad ang hatak niya sa akin. Talagang kami ang magka palad.
Magkakasunud-sunod pala ang magagandang pang ya-yari sa aking buhay. Minsang tumawag si Ate Annie at Ate Delia (magkapatid na umampon sa akin sa Sulucan St.) ay ibinalita na nakilala nila ang kapatid kong panganay. Hindi raw sinasadya ang pagkikilala. Nagtanong daw si Kuya kay Ate Annie na noon ay nasa karinderya. Nabanggit na mayroong hinahanap na kapatid na babae. Sinabi raw ang deskripsiyon ng hinahanap at kung tagasaang probinsiya. Kinabahan daw si Ate Annie sapagkat malinaw na malinaw na ako nga ang hinahanap. At iyon nga ang naging daan para sila magkakilala. Kinuha ang cell number ng aking Kuya at sinabi rito na ako na lamang ang tatawag.
“Tawagan mo agad, Tess ang Kuya mo. Ay siyanga pala Tess, naihanap mo na ba ako ng magiging dyowa diyan?” Tanong ni Ate Annie.
“Hindi pa Ate Annie pero pagbabakasyunin ko kayong dalawa ni Ate Delia rito sa Bris bane. Malay n’yo me maispatan kayo pagtungo rito. Kailan n’yo gusto? Sabihin n’yo lang.’’ Tuwang-tuwa ang dalawa.
Pagkatapos naming mag-usap nina Ate Annie at Ate Delia ay agad kong tinawa gan si Kuya. Nakausap ko si Kuya. Umiyak ako. Sabi ko patawarin na nila ako. Sabi naman ni Kuya, matagal na nila akong pinatawad. Sana raw ay magki-ta-kita kami. Sinabi kong may-asawa na ako at isang anak. Ikinuwento ko na napa kabait ng asawa kong si Stephen. Na ngako ako na uuwi kami ni Stephen kasama ang aming anak.
“Sige Tess at pag-uwi n’yo ay magkakatay kami ng baka. Yung pinakamatabang baka ang aming kakatayin para sa iyo… Yan ang sinabi rin ni Tatay at Inay noong nabubuhay pa. Pag-uwi mo raw, maghahanda dahil dumating ang pinakamamahal nilang anak…”
Hindi ko na napigilan at napaiyak ako. Lumapit sa akin si Stephen karga ang aming anak at hinimas-himas ang aking likod. Sa pagkakataong iyon ay ganap nang nawala ang mga alalahanin ko sa buhay.
Salamat Panginoon kong Diyos at ako ay tinulungan mong magbalik sa Iyo. Salamat at tinanggap mo ang katulad kong makasalanan.
(Bukas abangan ang isa pang nobela ni Ronnie M. Halos. Huwag kaliligtaang subaybayan.)