^

True Confessions

Ako ay Makasalanan(Wakas)

- Ronnie M. Halos -

WALANG katulad na ka­li­ gayahan pala ang ma­kakam­tan ng isang ka­tulad kong makasalanan na nagsisi. Napatunayan ko na walang imposible kung hihilingin sa Diyos na pagkalooban ng isang lalaking totoong mag­ma­mahal. Si Stephen ang lalaking iyon. Siguro nga ay para kami sa isa’t isa sa­pag­kat isang buwan makalipas ang aming kasal, nakaram­dam na ako ng pagkahilo at pag­duduwal lalo sa umaga. Nang sabihin ko kay Stephen ay alalang-alala siya.

“Halika at dadalhin kita sa doctor. Baka kung ano na ‘yan,” sabi ni Stephen at ina­ lalayan ako sa pagbangon. Gusto ko’y laging nakahiga at laging tinatamad kumilos.

Wala kaming kahina-hi­nala na iyon na pala ang sin­tomas ng pagbubuntis.

Nang malaman namin ang resulta, halos buhatin ako ni Stephen. Magiging daddy na siya! Sabi pa, hindi raw pala siya baog. Kasi nga’y hindi sila nagkaanak ni Trina at nagdududa siya na baka baog siya. Kasi nga’y naging sugapa siya sa droga. Baka naapektuhan ang pagkalala- ki niya. Ngayon ay napatuna­yan ni Stephen na kaya niyang bumuntis.

Ako man ay labis na natu­wa sapagkat hindi ko akalain na magbubuntis agad ako. Naiisip ko, baka dahil sa nagpa-abort ako noon at grabeng di­nugo ay hindi na magbubuntis. Baka parusahan ako dahil sa ginawa kong pagpatay sa aking nasa sinapupunan. Hindi pala. Mahal ng Diyos ang sinu­mang nagsisisi sa ginawang kasala­ nan at nangakong tata­likdan    na ang mga ginawang kamalian.

Isang malusog na sanggol na lalaki ang aking isinilang. Kahit na baby pa, halatang kuhang-kuha ang feature ng mukha ni Stephen. Hindi ma­ ipa­liwanag ang kasayahang nadama ni Stephen nang isil­ang ang aming panganay. Pa­ano nga kaya kung binigo ko si Stephen noon? Paano kung tumanggi ako sa kanyang ini-luluhog na pag-ibig? Baka nga bumalik siya sa pagiging addict. Kawawa naman kung nagkaganoon. Pero sa totoo lang, wala naman akong balak na biguin siya dahil mahal ko rin siya. Unang pagkakita ko pa lamang sa kanya sa pagtiti­pon na dinaluhan ko ay mala­kas agad ang hatak niya sa akin. Talagang kami ang mag­ka­ palad.

Magkakasunud-sunod pala ang magagandang pang­ ya-yari sa aking buhay. Minsang tu­mawag si Ate Annie at Ate Delia (magkapatid na umam­pon sa akin sa Sulucan St.) ay ibinalita na nakilala nila ang ka­patid kong panganay. Hindi raw sinasadya ang pagkikilala. Nagtanong daw si Kuya kay Ate Annie na noon ay nasa ka­rinderya. Nabanggit na mayro­ong hinahanap na kapatid na babae. Sinabi raw ang deskrip­siyon ng hinahanap at kung ta­gasaang probinsiya. Kinaba­han daw si Ate Annie sapagkat malinaw na malinaw na ako nga ang hinahanap. At iyon nga ang naging daan para sila magka­kilala. Kinuha ang cell number ng aking Kuya at si­na­bi rito na ako na lamang ang tatawag.

“Tawagan mo agad, Tess ang Kuya mo. Ay siyanga pala Tess, naihanap mo na ba ako ng magiging dyowa diyan?” Tanong ni Ate Annie.

“Hindi pa Ate Annie pero pagbabakasyunin ko kayong dalawa ni Ate Delia rito sa Bris­ bane. Malay n’yo me mais­patan kayo pagtungo rito. Kailan n’yo gusto? Sabihin n’yo lang.’’ Tuwang-tuwa ang dalawa.

Pagkatapos naming mag-usap nina Ate Annie at Ate Delia ay agad kong tinawa­ gan si Kuya. Nakausap ko si Kuya. Umiyak ako. Sabi ko pa­tawarin na nila ako. Sabi naman ni Kuya, matagal na nila akong pinatawad. Sana raw ay magki-ta-kita kami. Sinabi kong may-asawa na ako at isang anak. Ikinuwento ko na napa­ kabait ng asawa kong si Stephen. Na­ ngako ako na uuwi kami ni Stephen kasama ang aming anak.

“Sige Tess at pag-uwi n’yo ay magkakatay kami ng baka. Yung pinakamatabang baka ang aming kakatayin para sa iyo… Yan ang sinabi rin ni Tatay at Inay noong na­bubu­hay pa. Pag-uwi mo raw, maghahanda dahil du­mating ang pinakama­mahal nilang anak…”

Hindi ko na napigilan at napaiyak ako. Lumapit sa akin si Stephen karga ang aming anak at hinimas-himas ang aking likod. Sa pagkaka­taong iyon ay ganap nang nawala ang mga alalahanin ko sa buhay.

Salamat Panginoon kong Diyos at ako ay tinulungan mong magbalik sa Iyo. Sa­lamat at tinanggap mo ang katulad kong makasalanan.

(Bukas abangan ang isa pang nobela ni Ronnie M. Halos. Huwag kaliligtaang subaybayan.)

AKO

ATE

ATE ANNIE

ATE DELIA

KUYA

SHY

SIYA

STEPHEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with