NANG magising ako ay gabi na. Pasado alas-sais na ng gabi. Puwede na akong umuwi.
Bumangon ako. May sakit akong naramdaman sa kaselanan, pero kaya ko. At kailangang kayanin dahil kailangan ko nang umuwi.
Dinampot ko ang aking bag at kinuha ang perang pambayad kay Aling Pacing.
“Aling Pacing!” tawag ko. Walang kumikilos. Na saan kaya.
Naupo ako sa silyang plastic. Nahirapan akong umupo. Kailangan ay patagilid.
Hanggang sa may maramdaman akong umaak-yat sa hagdan. Bumukas ang pinto. Si Aling Pacing.
‘‘O huwag ka munang umupo delikado.”
“Kaya ko na Aling Pa-cing. Eto ang bayad. Aalis na ako.”
“Sige kung kaya mo na. Ihahatid kita sa ibaba. Hanggang sa baba lang at baka me makakita sa akin. Alam mo na…”
Alam ko. Baka may nagsusuplong sa kanya bilang abortionist.
Masakit humakbang pababa ng hagdan pero pinilit ko. Nakaalalay ang matanda. Nang nasa baba na kami ay nagmamadali ring umakyat si Aling Pacing. Itinuro lang sa akin kung saang eskinita lalabas para makakuha ng taksi.
Mahirap maglakad patungo sa may hintayan ng sasakyan. Madilim ang nilalakaran ko. Walang gaanong tao. Nang makarating ako sa may hintayan ng sasakyan, isang taksi ang nakita kong paparating. Kinawayan ko. Lumapit. Hirap na hirap akong sumakay.
“Saan po tayo?” tanong ng driver.
“Sulucan.”
Mabilis na umarangka-da ang taxi.
Walang trapik kaya madali akong nakarating sa Sulucan.
Nang gabing iyon, akala ko, mamamatay na ako. Nagising ako na maraming dugo sa higaan ko. Nadama ko ang init ng dugo. Ang kasunod ay hindi ko na alam sapagkat nawalan ako ng malay. Isinugod ako sa ospital ng mga kasamahan kong bed spacers sa ospital. Ang may-ari ng bahay at ang nakilala kong may-ari ng karinderya ang namulatan kong nagbabantay sa akin. Sa pagkakatingin sa akin, tila ba nagtatanong sila. Siguro naipaliwanag na sa kanila ng doctor kung bakit ako dinugo.
“Muntik ka nang maubusan ng dugo, Tess,” sabi ng may-ari ng karinderya na si Aling Annie.
“Mabuti na lang at nai sugod ka rito kung hindi...”
Napaiyak ako. Kung hindi ako naisugod ay baka patay na ako. Totoo iyon sapagkat nang magising ako, parang nahihirapan na akong huminga. Nag-aagaw buhay na yata ako.
“Ikalawang buhay mo raw sabi pa ng doctor dahil grabeng nawala sa iyong dugo...”
Lalo pa akong napaiyak. Ano ba itong naga- wa ko sa buhay ko? Ano ba itong kasalanang nagawa ko?
(Itutuloy)