Ako ay makasalanan (101)
NAKITA ko ang tinurong bahay ng abortionist sa dakong iyon ng Sta. Cruz. Nasa isang masikip na eskinita at hindi mahahalatang may klinikang ang espesyalidad ay “maglaglag”. Noon una ay hindi ako makapaniwala sapagkat tila gapok na ang bahay ng abortionist. Parang isang mahinang yanig ng lindol at baka magiba.
Lumangitngit ang hagdan ng umakyat ako. Nasa second floor daw ang may-ari. Kumatok ako sa pintong ga wa sa plywood. Maya-maya ay may nagbukas. Isang matandang babae na siguro’y 60-taong gulang. May uban ang magkabilang gilid ng nakapusod na buhok.
“Good morning po, andyan po si Aling Pacing?”
Hindi agad ibinukas nang todo ang pinto. Tumingin sa dakong likuran at tinitiyak kung meron akong kasama. Nang matiyak na wala ay ini luwang ang pinto.
“Ako si Pacing. Magpapaano ka?’’ tanong at nginuso ang tiyan ko.
“Opo.”
“May kasama ka ba?”
“Wala po.”
Saka pa lamang ibinukas ang pinto at pinapasok ako. Pagkapasok ko ay agad si-nara ang pinto. Nilagyan ng kadena.
Hinatak ni Aling Pacing ang plastic na upuan at inila-pit sa akin.
“Ilang buwan na ‘yan?”
“Mahigit pong isang buwan.”
“Ah dugo pa ‘yan. Madali pang remedyuhan.”
“Magkano po.”
Sinabi ang presyo. Tamang-tama ang dala kong pera. Desidido na ako. Hindi ko na ipagpapaliban. Gusto ko nang mawala ang nasa sinapupunan ko.
Pero meron pa rin akong kaba habang hinihimas ni Aling Pacing ang puson ko. Tila ba tumigil sa pag-ikot ang mun do. Hindi ko na maintindihan kung ano na ang nangyayari sa kapaligiran.
“Saglit lang yan,” sabi ni Aling Pacing.
Kasunod ay pinahiga na ako sa isang papag. Nakita ko sa itaas ang bulok na kisame na parang sa isang mahinang yugyog ay bibigay at babagsak sa mukha ko. Hindi ko tinitingnan si Aling Pacing kung ano ang mga inihahandang gamit. Ayaw kong makita. Pumikit ako. Subalit nang dumampi ang mga palad ng matanda sa aking kaselanan ay gusto kong bumangon at takasan ang isasagawang karumal-dumal na kasalanan. Ayaw ko na!
Subalit nanaig ang aking kasutilan. Hinayaang gumawa ang makasalanang kamay ni Aling Pacing. Hinaya-ang pumatay sa walang labang nasa sinapupunan. Gaano na kaya karami ang napatay ng matandang ito? Kung anu-ano ang naririnig ko. May mga su misigaw ng pagtutol sa ginagawa ng matanda. Subalit manhid na ang matanda. Wala na itong pakialam. Ako naman ay mistulang bangkang papel na nagpaanud-anod. Kahit saan tangayin ay walang pakialam. (Itutuloy)
- Latest
- Trending