^

True Confessions

Ako ay Makasalanan (97)

- Ronnie M. Halos -

SA lakas ng sampal sa kali­ wang pisngi ko ay umugong ang aking taynga. May mga estrelya akong nakita. Na­sadlak ako sa sulok ng salas at mabuti at naitukod ko ang kamay sa dingding kundi ay baka sumalpok ang mukha ko roon.

“Sige hintayin mo na lang ang pagkikita n’yo ng hina­ yupak na si Mon,” sabi ni Mr. Dy at walang anumang lu­mabas makaraang damputin ang clutch bag sa mesita. Hindi man lang nakagawa ng ingay sa pinto nang lumabas. Marahang dumating at mara­han ding umalis.

Naisip ko, bakit kaya wa­lang ginawa sa akin maliban sa sampal. Pero nakapag­bigay ng kaba sa akin ang sinabing “magkikita na la­mang daw kami ni Mon”. Ma­sama. Delikado ako!

Mabilis akong kumilos.   Pu­masok ako sa kuwarto. Nag­suot ng pantalon at t-shirt. Hi­nagilap ang bag.

Pero paglabas ko ng ku­warto, narito na ang dalawang “tuta” ni Mr. Dy. Gumapang    na ang kilabot sa katawan ko. Eto na marahil ang kasagutan sa sinabi ni Mr. Dy kanina na magkikita rin kami ni Mon.   Ang dalawang ito ang papa-tay sa akin. At siguro ang mga ito rin ang pumatay kay Mon. Pinu­tulan muna ng “ari” saka ini­hulog sa Ilog Pasig. Tipong sinalvage.

“Sama ka raw sa amin, Mam,’’ sabi ng isa. Maikli ang buhok at matipuno ang panga­ngatawan. Sa pagmumukha ay tila hindi marunong maawa.

Tinangka kong umatras at magtago sa kuwarto pero    ma­bilis ang kasama at naha­wa­kan ako sa kamay. Mala-kas ang lalaki sapagkat hindi ko magawang makawala sa pagkakahawak.

“O huwag nang pumalag at baka lalong magalit si Mr. Dy. Masamang magalit yun,” sabi ng lalaking humawak sa akin.

‘‘Maawa kayo sa akin, inutusan lang ako ni Mon,’’ sabi kong nanginginig ang boses.

‘‘Sana sinabi mo yan kay Mr. Dy at hindi sa amin. Kami mga alalay lang na sumusu­nod kung ano ang sabihin. Halika na at baka mainip si Mr. Dy ay kami naman ang malin­tikan. Huwag ka nang pumig­las at baka lalo ka lamang ma­padali…”

“Maawa na kayo sa akin!”

“Wala naman kaming ga­ga­win sa’yo. Isasama ka lang namin doon sa tirahan namin… Halika ka na, Mam.”

Gusto kong pumiglas pero parang bakal ang kamay na nakahawak sa akin. Hindi ko magagawang makatakbo ka­ hit iyon ang aking plano. Ano ang lakas ng isang babaing katulad ko sa mga lalaking sanay na yatang “pumatay”.

Sumama na lamang ako. Nakahawak pa rin sa aking braso ang isa. Ang lalaking matipuno ang pangangata­wan ang nagsara sa pinto ng unit. May dalang sariling susi. Kabisado na ang pagsasara na ang ibig sabihin, alam na alam na ng dalawang ito ang kabuuan at nangyayari sa unit. Siguro’y nakasubay- bay na ang dalawang ito noon pa at nakikita ang gina­gawa naming “pagtatalik’’ at ‘‘pagla­laro” ni Mon.

Madilim sa baba ng unit kaya hindi mapapansin ng sinumang taong naglalakad na may nangyayaring hindi pangkaraniwan. Nakita ko ang nakaparadang asul na kotse. Isinakay ako sa gitna. Katabi ko pa rin ang lalaking may hawak sa braso ko. Hin­di ako talaga makaka­takas sa dalawang ito.

Tumakbo ang kotse. Hin­di ko alam kung saan patu­ngo. Nagpasikut-sikot sa makikitid na eskinita. Alam   ko nasa Chinatown pa kami dahil sa mga adorno at pala­muting Intsik.

(Itutuloy)

AKIN

AKO

HALIKA

MR. DY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with