Ako ay makasalanan (86)
BAGO nakapasok sa ku warto si Mr. Dy ay naisik-sik ko sa likod ng cabinet ang mga damit ni Mon. Wala nang makikitang ebidensiya. Pahamak talaga si Mon. Hindi raw darating si Mr. Dy pero eto at naghuhubad na. Sa tingin ko, hayok na hayok na naman.
“Kumusta, Maritess?” tanong ng Tsekwa.
“Okey lang. Matagal kang nawala?” tanong kong may pagkaharot ang boses.
“Nasa Hong Kong. Dapat hindi pa ako uuwi pero nasasabik na ako sa’yo…” sabi sabay batak sa huling saplot. Parang nahubarang Buddha si Mr. Dy.
“Uy talaga. Baka naman binobola mo lang ako.”
“Hindi ako nambobola. Talagang sabik na ako sa iyo.”
“Bakit hindi ka ba tumitikim ng iba roon.”
“Delikado. Maraming me sakit na babae.”
Napa-ah na lang ako. Sa mga salita ko sa kanya ay hindi halatang nakipagtalik ako kay Mon. Walang bakas na makita na pinagtaksilan ko siya.
“E nasan ang pasalubong ko?”
“Hindi ako nakabili. Pera na lang ang ibigay ko sa’yo, pero...”
“Pero ano?” tanong ko.
Kumilos si Mr. Dy at sinimulang idagan sa akin ang malaking katawan. Parang madudurog ako.
“Ano nga?” tanong ko sa nabitin niyang salita.
“Bigyan kita malaking pera pero galingan mo ha.”
“Sure naman. Gusto mo LT kita?”
“Anong LT?”
“Linis Tubo.”
Napahagakhak ang Tsekwa. Parang nun lang nari-nig iyon.
“Basta gawin mo ang maganda at masarap at meron kang premyo,” sabi.
Ginawa ko ang aking sinabi — LT. Hinusayan ko. Nakaakit ang malaking premyo. Hindi ko pawa walan. At nalaman ko, iyon pala ang gusto ng tsekwa. Talagang nasiyahan.
Pagkatapos ng LT ay iyon nang totoong “ritwal”. Hayok ang Tsekwa. Nag mamadali. Nagkukuma-hog. At BANG!
Nang matapos ang “ritwal” ang pagbibigay ng premyo. Makapal ang perang papel na dinukot at iniabot sa akin. Tinotoo ang sinabi. Paldo na naman si Maritess.
Ang hindi ko inaasa han at nagpakaba sa akin nang todu-todo ay nang masulyapan kong nakakalat sa suwelo ang itim na brief ni Mon. Nahulog marahil sa pagkakasiksik ko sa likod ng cabinet kanina. Hindi ko malaman ang gagawin. Tiyak na makikita ni Mr. Dy ang brief!
(Itutuloy)
- Latest
- Trending