^

True Confessions

Ako ay makasalanan (83)

- Ronnie M. Halos -

BAHAGYANG bumaba­haw na ang sugat at pa­latandaang mag-iiwan ng pangit na peklat sa ka­nang tagiliran.

“Sinipa ako ng isang bodyguard at pagbagsak ko tumama sa gutter na may nakausling bato. Aka­la ko nga patay na ako dahil pumulandit ang dugo. Akala nga siguro patay na ako kaya nag­ma­madaling umalis si   Mr. Dy at mga kasama. Pero kung hindi ako nag­patay-patayan, siguro pi­natuluyan ako ng hayop na Tsekwa…”

Ibinaba ni Mon ang poloshirt.

“Mabuti na lang at may mabait na pedicab driver at dinala ako sa ma­lapit na clinic. Maraming nawalang dugo sa akin. Malapit lang dito ang pi­nangyarihan d’yan lang sa may Ongpin. Pero kung na­una akong dumating dito, hindi ka ma­sasalaula ni Mr. Dy. Ang balak ko, alisin ka rito at doon tayo sa Mariki­na. Ta­pos, saka tayo uuwi sa Sab­layan, marami akong pin­san doon. Hindi na tayo ma­susundan ng Tsekwa roon.”

Parang lumalambot na ang adobe kong puso.

“Pero natunugan na pala ng Tsekwang si Dy ang pagpunta ko rito kaya pinaabangan na ako sa mga alepores niya. Nang bumaba ako sa taxi, iyon na, ginulpi na ako… gra­beng hirap ang dinanas    ko. Balak kong gumanti maka­raang gumaling ang sugat pero naisip ko, wala akong laban sa Tsekwa. Mayaman siya. Ipinagpa-sa-diyos ko na lang ang nang­yari sa akin…”

Nakita kong medyo na­ngilid ang luha ni Mon.    Hindi makatingin sa akin nang deretso.

“Bakit mo sinasabi sa akin ‘yan?” tanong ko.

“Para malaman mo ang katotohanan.”

Napabuntunghininga ako.

“Ngayong alam mo na, maaari na akong umalis. Basta iyon ang totoong nangyari. Hindi kita ipi­nagbili o ibinugaw o ano    pa man…”

“Pinabayaan mo akong salaulain ng Tsekwang iyon.”

“Wala akong maga-wa. Masyado siyang    ma­kapangyarihan…”

Napaiyak na ako. Pero madali ko ring na­pigil ang bugso.

“Sige Maritess…”

Humakbang siya pa­labas.

Nang lalabas na sa pinto, tinawag ko. Buma­lik.

“Naniniwala ka na?”

Tumango ako.

(Itutuloy)

AKO

MR. DY

NANG

PERO

SHY

SIGE MARITESS

TSEKWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with