^

True Confessions

Ako ay makasalanan (78)

- Ronnie M. Halos -

DUMATING ang lalaking iyon na ako ay hilung-hilo dahil sa kaantukan. Nan­lalabo pa ang aking mga mata at pilit siyang ina­aninaw sa dilim. Nasisi ko ang sarili kung bakit ko pa napatay ang ilaw sa lampshade na nasa aking ulunan. Kung buhay iyon ay madali kong makikilala ang la­laki. Hirap na hirap akong aninawin ang mukha ng lalaki.

Ipinagtataka ko kung bakit alam na alam ng lalaki ang gagawin. Para bang sanay na sanay na siya sa lugar. Kabisadung-kabisado kung saan ha­hakbang.

At nang duhapangin ako, nadama ko ang kanyang bigat. Mahirap itulak dahil sa bigat. Parang sako ng palay ang bumag­sak sa akin. Masyadong malakas na kapag ako ay nagmatigas ay ako pa ang masasaktan. Gusto kong su­migaw pero walang lumabas na tinig mula sa akin. Umurong ang aking dila sa pagkakataong iyon. Wala akong kakilus-kilos habang tinatampalasan ang aking katawan. Hindi ko na alam kung paano niya nahubad ang aking damit. Sa bilis ng mga pangyayari, parang nana­na­ginip lamang ako.

Hayok na hayok ang lalaki. Para bang mau­ubusan kaya minamadali ang ginagawa. Naamoy ko ang hininga — amoy alak. Hindi maaaring maikaila sa akin ang alak. Ganoon ang ininom namin ni Mon sa sea­food restaurant na aming kinakainan. Yun ang ma­sarap na alak na dahan-dahan at suwabe ang tama.

Mabilis lang ang pang­yayari. Iglap na pagpapa­sasa sa katawan ko. Parang saging na bumag­sak ang katawan ng lalaki sa tabi ko. Humahagok sa pagod. Hinang-hina naman ako. Wala pa ring masabi dahil umurong ang dila.

Hanggang sa masanay na ang mata ko sa dilim at nakita na ang pagmu­mukha ng lalaki. Singkit. Mataba. Ma­tangos ang ilong. Mahigit sigurong 50-anyos.

Siya si Mr. Dy. Hindi ako maaaring magka­mali. Siya ang bossing ni Mon. Ipinakita sa akin ni Mon ang picture nila nito minsan.

Ipinagbili na yata ako ni Mon sa Intsik na ito!

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

GANOON

HANGGANG

HAYOK

HINANG

HIRAP

MR. DY

SHY

SIYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with