SIGURADONG nakita ng bastos na lalaki ang aking singit. Akala yata ay hindi ko napansin na kanina pa siya yuko nang yuko at inaabangan ang bawat galaw ng paa ko habang isinusukat ang sapatos.
Pagkatapos kong maisukat ang sapatos ay hinarap ko ang lalaki na sa hula ko ay empleado ng department store dahil sa uniporme.
“Hoy bastos, kanina pa kita nakikita. Bosero! Tarantadong ‘to!”
Napanganga ang lalaki sa bigla kong paglapit. Pero agad din namang nakapangatwiran. Hindi raw ako ang tinitingnan niya.
“Huwag ka nang magsinungaling dahil kanina pa kita inoobserbahan. Manyakis!”
Ang pagmumura ko ay nakatawag ng pansin sa iba pang namimili. Nagkalipunpunan. Nakiusyuso. Hindi ako tumigil sa pagmumura. Talagang hinarap ko na ang lalaki.
“Ikaw na hayup ka, igalang mo ang mga kustomer n’yo. Ganyan ba lagi ang ginagawa mo sa mga babaing kustomer n’yo! Manyak! Tumatanggi pa e kanina ko pa napapansin na bawat buka ng hita ko nakasilip ka.”
“Hindi, Mam. Hindi ikaw ang tinitingnan ko,” matigas na tanggi ng lalaki.
“Humanda ka, kakausapin ko ang manedyer ng department store na ito. Isusumbong ko ang ginagawa mo.”
“Mam huwag po. Hindi ko naman ikaw sinisili- pan,” sabi ng lalaki na tila nagmamakaawa.
“Tumatanggi ka pa ha. Akala mo hindi ko nakikita ang ginagawa mo.”
Ipinagtanong ko kung saan makikita ang supervisor o ang manedyer. Itinuro naman sa akin.
Nang makaharap ko ang manedyer na lalaki ay agad kong isinumbong ang empleado sa pamboboso sa akin.
Agad na ipinatawag ng manedyer ang empleado. Dumating ang empleado. Putlang-putla.
“Inirereklamo ka ni Mam. Bakit mo siya sinisilipan?” tanong ng manedyer.
“Hindi po Sir. Nagkataon lang napatingin ako sa direksiyon niya.”
“Sinungaling ka! Ilang beses kang nakasilip sa akin habang nagsusukat ako ng sapatos. Huwag ka nang tumanggi!”
“Hindi po ako naninilip, Mam.”
“Mag-sorry ka kay Mam.”
Pero matigas ang empleado.
“Hindi ako magso- sorry Sir dahil wala naman akong kasalanan. Kapag nagsorry ako, para ko na ring inamin na may kasalanan ako.”
“Mag-sorry ka!” sigaw ng manedyer.
Hindi kumilos ang empleado. Nagmatigas na ta laga.
Napuno na ako. Hindi na ako makatiis. Ayaw niyang mag-sorry kaya sinampal ko. PAK! Tulig ang lalaki.
(Itutuloy)