^

True Confessions

Ako ay Makasalanan (59)

- Ronnie M. Halos -

SIGURADONG nakita ng bastos na lalaki ang aking singit. Akala yata ay hindi ko napansin na kanina pa siya yuko nang yuko at inaabangan ang bawat galaw ng paa ko habang isinusukat ang sapatos.

Pagkatapos kong ma­isukat ang sapatos ay hi­narap ko ang lalaki na sa hula ko ay empleado ng department store dahil sa uniporme.

“Hoy bastos, kanina pa kita nakikita. Bosero! Tarantadong ‘to!”

Napanganga ang lalaki sa bigla kong paglapit. Pero agad din namang nakapangatwiran. Hindi raw ako ang tinitingnan niya.

“Huwag ka nang mag­sinungaling dahil kanina pa kita inoobserbahan. Manyakis!”

Ang pagmumura ko ay nakatawag ng pansin sa iba pang namimili. Nagka­lipunpunan. Nakiusyuso. Hindi ako tumigil sa pagmu­mura. Talagang hinarap ko na ang lalaki.

“Ikaw na hayup ka, iga­lang mo ang mga kustomer n’yo. Ganyan ba lagi ang ginagawa mo sa mga ba­baing kustomer n’yo! Man­yak! Tumatanggi pa e ka­nina ko pa napapansin na bawat buka ng hita ko na­kasilip ka.”

“Hindi, Mam. Hindi ikaw ang tinitingnan ko,” matigas na tanggi ng lalaki.

“Humanda ka, kakau­sapin ko ang manedyer ng department store na ito. Isusumbong ko ang gina­gawa mo.”

“Mam huwag po. Hindi ko naman ikaw sinisili- pan,” sabi ng lalaki na tila nagmamakaawa.

“Tumatanggi ka pa ha. Akala mo hindi ko nakikita ang ginagawa mo.”

Ipinagtanong ko kung saan makikita ang supervisor o ang manedyer. Itinuro naman sa akin.

Nang makaharap ko ang manedyer na lalaki ay agad kong isinumbong ang empleado sa pambo­boso sa akin.

Agad na ipinatawag ng manedyer ang empleado. Dumating ang empleado. Putlang-putla.

“Inirereklamo ka ni Mam. Bakit mo siya sinisilipan?” tanong ng manedyer.

“Hindi po Sir. Nagkataon lang napatingin ako sa direksiyon niya.”

“Sinungaling ka! Ilang beses kang nakasilip sa akin habang nagsusukat ako ng sapatos. Huwag ka nang tumanggi!”

“Hindi po ako naninilip, Mam.”

“Mag-sorry ka kay Mam.”

Pero matigas ang em­pleado.

“Hindi ako magso- sorry Sir dahil wala naman akong kasalanan. Kapag nagsorry ako, para ko na ring inamin na may kasa­lanan ako.”

“Mag-sorry ka!” sigaw ng manedyer.

Hindi kumilos ang em­pleado. Nagmatigas na ta­ laga.

Napuno na ako. Hindi na ako makatiis. Ayaw niyang mag-sorry kaya sinampal ko. PAK! Tulig ang lalaki.

(Itutuloy)

AKO

HUWAG

LALAKI

PERO

SHY

SIR. NAGKATAON

TUMATANGGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with