Ako ay Makasalanan(54)
BIHASA na ang propesor at ipokrita ako kung hindi aaminin na mas nasisiyahan ako sa ginagawa niyang “paglalaro”. Sumisigaw ang isang bahagi ng aking utak: Hindi porke at matanda ang propesor ay hindi kayang magpaliga-ya. Hindi ka dapat manghusga! Oo na nga. Mahusay na nga ang propesor na ito. Sa edad ba naman ng propesor ay imposibleng hindi siya maging eksperto. Ilang estudyante na kaya ang nabiktima ng propesor na ito. Marami na siguro. At paano kaya ang diskarte? Siguro’y katulad din ng nangyari sa akin, yung nakiusap na magme-makeup sa bagsak na exam. Galing din ng matandang ito.
Pero hindi lamang pala ang pagbulatlat sa “record” ng estudyante mahusay si propesor, mahusay ding manisid ng “perlas”. Hindi siya basta-basta maninisid kundi super maninisid. Pinapasok niya ang kagubatan sa ilalim ng karagatan at hinahalukay nang todo. Walang kapaguran si propesor sisid. At iyon naman ang gusto ko.
Ang pangwakas ay ginawa na ni propesor. Final exam na. Huling pagtutuos at alam ko papasa na ako sa pagkakataong ito. Hindi na ako kailanman babagsak sa propesor na ito sapagkat “hawak” ko na siya. Siya na ang paiikutin ko, ha-ha-ha!
Natapos ang final exam. Galing ni prop. Pero mahusay din akong estudyante sapagkat ginantihan ko rin ng talino ang binigay na exam. Nasiyahan siya. Kitang-kita ko sa kumukulubot na niyang noo.
“Okey ka Tess.”
“Ganun lang?”
“Akong bahala sa’yo. Susustentuhan kita. Lahat nang gusto mo ibigay ko.”
“Dito mo na ako patirahin, okey lang sa’yo?”
“Wag dito. Ikukuha kita ng apartment.”
“Sige. Baka binobola mo lang ako.”
“Pero wag ka nang maingay sa unibersidad ha. Mataas ang pagtingin sa akin sa school e.”
“No problem basta ba tuparin mo ang sinabi sa akin.”
“Magkita uli tayo ha, Tess?”
“Bukas pagkatapos ng klase. Sa motel naman tayo.”
“Saan kita intayin?”
“Sa kanto ng Morayta at Recto. Dun tayo magkita.”
Nagkasundo kami.
Bago ako umalis sa apartment ni propesor ay dinagdagan pa ang pera ko. Paldung-paldo ako. Kahit na hindi na ako padalhan nina Tatay at Inay, oks lang.
Habang nasa dyipni pauwi ay iniisip ko na ang mga sasabihin kay Cherry kapag tinanong ako kung bakit ginabi ng uwi.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending