^

True Confessions

Ako ay makasalanan (48)

- Ronnie M. Halos -

“MARUNONG ka palang uminom, Tess,” sabi ni   Prof. “Taga-Quezon ka ba?”

“Hindi Sir.”

“Kasi yung mga babae sa amin sa Quezon e ma­lakas uminom ng lamba­nog.”

Napangiti na lang ako. Nararamdaman ko pa ang init ng hagod sa lalamu-nan ng imported na alak. Mas masarap kaysa sa ininom namin sa birthday party ni Carlo, yung siyota ni Cherry. Naalala ko tuloy   na sa party na iyon ako na­pag­­sawaan ng hayop na si Bobby. Tangnang la­laki iyon!

“Tikman mo itong nilu-to kong pulutan, Tess,” sabi ni Prof at iniabot sa akin ang tinidor. Pork chop. Hiwa-hiwa na.

“Masarap yan. Sige kuha na. Isawsaw mo rito sa ma­anghang na suka.”

Naglaway ako. Tumusok ako ng katamtamang laki ng porkchop. Isinawsaw   sa sukang may sili. Isinubo ko. Una kong nalasahan ang suka. Maanghang. Malam­bot ang karne.

“O ano masarap ano?”

Tumango lang ako.

“Teka at ikukuha kita ng kanin. Para me laman ang tiyan mo. Maski magkasa­ra­pan tayo e di walang problema.”

“Sir baka malasing ako.”

“Hindi. Okey lang ‘yan. Di ba magkukuwentuhan pa tayo? Sige ka baka big-la kong makita ang exam     paper…”

“Sir hindi talaga ako sa­nay uminom.”

“Kaunti pa, Tess. Diyan ka lang at kukuha ako ng kanin.”

Nararamdaman ko na ang pangangapal ng aking pisngi. Unti-unti nang umi­inog ang paligid. Pero mas banayad ang pag-inog ng aking paligid ngayon kaysa noon. Noon e parang na­bigla ako kaya bigla rin ang pag-ikot ng mundo. Suwa­be ang alak ni Prof.

“O Tess, kumain ka muna. Masarap ang porkchop sa mainit na kanin. Eto me catsup pa.”

Tumango ako.

Nilagyan ako ni Prof ng kanin sa pinggan. Nilag- yan ng hiniwa-hiwang pork­chop.

“Kumain ka muna para me laman ang tiyan mo.”

Kumain ako.

“Ikaw Sir.” Alok ko.

“Sige okey lang ako. Basta nakikita kong kuma­kain ka e nabubusog na ako.”

Nambobola pa si Prof.

“Maganda ka talaga ano? Sa lahat ng estud­yan­te ko ikaw lang ang pinakamaganda.”

Nagtawa ako. Medyo malanding tawa. Guma­gapang na ang espiritu    sa katawan ko.

“Hindi naman Sir.”

Nagsalin ng alak sa dalawang baso si Sir.

“O sabay uli tayo. Para mas masaya.”

Hindi na ako naka-tang­gi.

(Itutuloy)

AKO

HINDI SIR.

IKAW SIR.

KUMAIN

SHY

SIGE

TESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with