Ako ay Makasalanan(25)

SUMIMSIM ako sa baso. Unang lasa ko ay mapait na maasim-asim at manamis-na­mis. Pero ang la­sang gin ay nangi­ngi­babaw. Nakalasa na ako ng ga­nito noong high school pero hindi ganito ang lasa. Noon ay mas malamang ang pineapple kaya ubod ng tamis. Hindi iyon nakalasing. Nga­yong itong hawak kong baso ay mataas na kalahati at hindi ko alam kung kaya kong ubusin.

“Inom na Mari­tess,” sabi ni Bobby na hawak pa rin ang basong may gin.

“Baka hindi ko ma­kaya ito. Matapang.”

“Sa unang lasa lang yan. Kapag naubos mo ‘yan, hihingi ka pa ng kasunod.”

“Uy hindi naman ako sanay na umiinom.”

“Hindi ko naman si­nabi na manginginom ka. Sabi ko, hahanapin mo pa ang kasunod.”

“Ganun na rin ‘yun.”

“Sige sabay tayong uminom. O gusto mo munang mamulutan?”

“Pahingi. Yang bo­pis ang gusto ko.”

Iniabot sa akin ang pinggan. Kumutsara ako. Masarap ang bopis. Kumakabit ang ang­hang. Pagkatapos ay su­mimsim ako ng gin. Paunti-unti. Masarap nga yata. Hanggang sa tinungga ko na.

“O di ba, hindi na­man matapang.”

“Pero parang baba­lik kung hindi ko napigil.”

“Sa simula lang ‘yan. Mamaya, iinit ka na.”

Inirapan ko si Bob­by.

Nagtataka naman ako nang hindi makita si Cherry. Kanina la­mang ay nasa may su­lok at kausap si Carlo. Pati si Carlo wala rin. Lima na lamang kami sa salas. Ang tatlong kasama ni Bobby ay nag-iiuman sa di-kala­yuan. Nagkukuwen­tuhan.

“Asan kaya si Cher­ry?” tanong ko.

“Nasa CR siguro. Huwag mong intindihin ang kasama mo. Hindi na bata yon. Lagyan uli kita sa baso mo?”

Tumango ako. Ni­lag­yan. Tama si Bobby, sumasarap nga ha­bang tumatagal.

Tumungga uli ako. Kalahati lang. Kumut­sara ako ng pulutan. Si Bobby naman ang tumungga. Ubos.

Inubos ko ang la­man ng aking baso. Nagpaalam ako kay Bobby na magsi-CR. Gusto ko ring mala­man kung nasaan si Cherry.

Nang patungo na ako sa CR, nagulat ako nang may maki­tang dalawang anino sa sulok. Nakilala ko. Si Cherry at Carlo, may ginagawa! (Itutuloy)

Show comments