^

True Confessions

Ako ay makasalanan (20)

- Ronnie M. Halos -

“ANG sarap ng beer!” sabi   ni Cherry matapos maka­simsim. Ang bula ng beer    ay bumakat pa sa kan­yang nguso. Pinahid niya iyon ng tissue.

Natakawan na rin ako. Sumimsim ako. Mapait sa una pero nang madama ko ang tamang-tamang lamig, napalaki ang lagok ko.

“O di ba masarap, Ma­ritess. Ikaw lang, aarte-arte ka pa.”

“E sa talagang napa­itan ako nang una tayong umi­nom.”

“Masarap na pulutan dito e spicy dilis.”

“Umorder ka, Cherry. Akong magbabayad, ma­rami pa naman akong pera.”

Tinawag ni Cherry ang waiter. Umorder ng spicy dilis.

“Marami bang naiben­tang palay si papa mo?” ta­ nong nito nang makaalis ang waiter.

“Kopra ang marami.”

“Sa amin, gulay ang pro­dukto.”

“Alam ba ng mother mo na malakas kang uminom, Cherry?”

“Ewan ko. Siguro alam,” sabi at tumungga uli. Maba­bang kalahati na ang mug.

“Umorder na kaya ng isang pitcher. Mas makaka­mura tayo.”

“Kakahiya, Cherry baka sabihin e mga sanay tayong uminom.”

“Kanino ka mahihiya e ting­nan mo nga at ang mga nasa paligid natin e pitsel-pitsel na ang nasa mesa.   Tayo nga ang pinakama­hina.”

“Baka naman hindi natin maubos ang isang pitsel.”

“Yakang-yaka!” Nang du­ mating ang spicy dilis, umorder na ng isang pitsel si Cherry.

“Okey tuloy ang ligaya. Sabi ko sa’yo mas masarap ang buhay natin ngayon kay­sa noong nasa boarding house tayo ni Mely. Doon e parang martial law. Talo pa si Makoy.”

“Hoy yang bibig mo me makarinig e arestuhin tayo.”

“Hindi ako natatakot.”

Lasing na agad yata ang gagang si Cherry.

“Kung hindi ka umalis kay Mely, sigurado, bata ka na nun.”

“Hindi naman ako papayag.”

“Masasabi mo ba ‘yun.”

“Ayaw kong makipagre­ lasyon sa babae, Cherry.”

“Talaga naman. Mas ma­sa­rap sa lalaki.”

“Ikaw me boyfriend ba ngayon?”

“Merong umaaligid pero ewan ko. Parang ayaw ko nang makipagrelasyon.”

“Bakit naman?”

“Baka magkamali muli.”

“Kaklase mo ba yung aali-aligid?”

“Kaibigan ng kaklase ko.”

“Guwapo?”

“Puwede na rin,” sagot ni Cherry at uminom. Dumam­pot ng dilis pagkatapos.

“Ikaw Maritess, wala bang nagbabalak lumigaw sa’yo.?”

“Mayroon kaya lang mga hindi ko type.”

Nagtawa si Maritess.

Naubos namin ang pitsel ng beer. Uminog ang mundo ko. Gabi na kami nang umu­ wi. Kinabukasan, hindi ma­sa­kit ang ulo ko. Tama si Che­rry sa umpisa lang masakit ang ulo.

Lumipas pa ang ilang araw. Isang hapon na umuwi ako, may naratnan akong lalaki sa aming kuwarto. Nagku­ kuwentuhan sila ni Cherry. ‘Yun yata ang nanliligaw kay Cherry.  (Itutuloy)

AKO

CHERRY

IKAW

IKAW MARITESS

MELY

SHY

UMORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with