Ako Ay Makasalanan (7)

MAGIGING ipokrita ako kung hindi ko sa­sabihin na natatangay ako sa ikinukuwento ni Cherry. Paano’y di­ne­talye pa ng bruha ang mga nangyari. Una raw niyang pakikipag­talik. Masyado na raw silang natangay ng kanyang pinsan. Akala niya ay babakla-bakla ito pero nang maram­daman niya ang pag­ka­lalaki nito, nakum­pirma niyang lalaki talaga at may kakaiba siyang sarap na nada­ma. Unang karanasan, unang ligaya sa pakiki­pagtalik pero ang ma­tin­di ay sa kanyang pinsan.

Nag-iinit ako sa mga kinukuwento ni Cherry. Gusto ko madaliin siya sa pagkukuwento para malaman ang mga nangyari pero ibinibitin pa ng bruha. Nararam­daman yata ang pagka­a­tat ko.

“Nasaktan ako, Mari­tess pero saglit lang. Ang kasunod pala ng kirot ay sarap. Ay Diyos ko, hindi ko maipali­wa­ nag. Butil-butil ang pa-   wis ko at pati sa kanya.”

“Doon na mismo sa banyo talaga nangyari?”

“Oo. Kapag gano­ong nagnanakaw ng sandali, kahit saan pu­wede na. Hindi naman puwede sa kuwarto at baka biglang dumating si Kuya Ramon. Mas safe sa banyo.”

“Anong nangyari pagkatapos?”

“Medyo mahirap da­hil makipot ang banyo pero nairaos din. Napa­walan ang init na aming nadama.”

Napabuntunghini-nga ako.

“Nagsisi ka sa nang­yari?”

“Nung una hindi. Gus­to ko naman at nasara­pan ako.”

“Kahit kaunti hindi ka natakot na magpin­san kayo e kayo pa itong nag­kaanuhan.”

“Hindi ko nadama ang ganun. Kung nada­ma ko ba e di sana hindi na nasundan.”

“Nasundan pa ang pagtatalik n’yo?”

“Oo. Maraming be­ses pa.”

Shock uli ako. Tala­gang kakaiba si Cherry.

“Pero hindi na sa ban­yo kami nag-anu­han. Doon na sa kuwarto niya.”

“Hindi nakahahalata ang Kuya Ramon mo?”

“Hindi. Kasi busy sa trabaho niya. Laging wala sa bahay. Umaalis siya e nasa bahay pa kami ni insan. Solong-solo namin.”

“Nagtagal ang gina­ga­wa n’yong kasalanan?”

“ Isang semester din. Nabuntis kasi ako.”

 Shock uli ako.

“Sinabi ko sa pinsan ko. Aba ang sagot ba na­man e wala raw si-yang pakialam sa akin. Ako raw naman daw ang may kasalanan. Kung hindi ko raw siya nilandi e hindi mangyayari ang lahat. Pinagmumura ko. Sinuntok ko. Galit na galit ako. Ako pa ang sinampal. Tulig ako…”

Hindi ako makapag­salita. Hinihintay ko pa ang mga kasunod ng kuwento niya.

Nagpatuloy si Cherry.

“Palaban na talaga ako. Patay kung patay na. Ipinasya kong isum­bong kay Kuya Ramon ang mga nangyari. Pa­lalabasin ko, ginahasa ako ng walanghiya kong pinsan. Tingnan ko lang kung anong gagawin ng tarantado.” (Itutuloy)

Show comments