^

True Confessions

Black Pearl (99)

- Ronnie M. Halos -

“PATAY na po ang asawa ni Fernando na si Melissa?” gulat kong tanong. Maski si Rina ay napansin kong na­gulat din sa binalita ni Mang Nado.

“Oo.”

“Ano pong ikinamatay Mang Nado.”

“Napatay siya nang lu­maban sa mga lalaking ga­gahasa sa dalawang anak na babae. Ang balita, nata­pos nang reypin si Melissa at nang ang dalawang anak naman ang tangkang gaga­hasain e pinagtanggol niya ang mga ito. Nakahagilap daw ito ng gunting at ta­lagang patay kung patay na. Nagwala na. Napatay niya ang nangrape sa kanya at nakatakas naman ang dalawang kasama pero nahuli na rin kamakailan lang. Yung nagreyp daw kay Melissa yung lalaking nagtangka rin sa kanya noon, yung drayber. Ewan kung paano nakalabas sa bilangguan ang hayop na yun. Tiniyempo na ang mag-iina lamang nina Melissa ang nasa bahay dito sa bayan. Me bahay pa kasi sila rito at doon nakatira dahil nag-aaral na sa high school ang dalawang anak. Si Fernando raw naman ay nasa farm ng gabing mangyari ang krimen. Napa­iling-iling ako. Patuloy ang matanda sa pagkukuwento.

“Pambihirang babae yun. Talagang nakita kung gaano kamahal ang dalawang anak. Napakabuting ina.”

“Si Fernando naman po?”

“Sabi ni Raul na pamang­kin ko, halos maloko-loko si Fer­nando. Sabi raw ni Fer­nando, sana raw ay siya na lamang ang namatay at hindi si Melissa. Mas matatag daw si Melissa kaysa sa kanya.”

“Ang dalawang anak po kumusta?”

“Na-trauma raw ang da­lawang anak. Napakaga­ganda pa naman ng dala­wang anak. Nakita ko sila dahil sumama ako sa libing ni Melissa.”

“Ano pong itsura ni Fer­nando ngayon?”

“Payat at mahaba ang balbas. Napapabayaan na yata ang sarili. Para bang nang mawala si Melissa e na­wala na rin ng kuwenta ang buhay.”

Sumabad si Rina.

“Dapat alalahanin niya na may dalawa pa siyang anak na umaasa sa kanya, ano po Mang Nado.”

“Oo. Tingin ko pa naman e matatalino ang dalawang bata. At talagang magaganda. Yung mga mata e para bang laging mga nakangiti. Napag­masdan ko noong libing ng ina nila.”

Parang naatat akong ma­kita ang dalawang bata.

“Sa palagay n’yo Mang Nado kapag nagpunta kami ni Rina kay Fernando ay tumanggap na siya ng bisita.”

“Siguro naman. Subu­kan n’yong puntahan, bu­kas ng umaga.”

“Baka naman po puwe­de mo kaming samahan, Mang Nado.”

“Aba sige. Walang prob­lema.”

Kinabukasan ng umaga ay gumayak na kami para pun­tahan si Fernando. Kinakabahan ako. Si Rina naman ay panatag lang.

(Tatapusin na bukas)

ANAK

DALAWANG

FERNANDO

MANG NADO

MELISSA

NAMAN

RINA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with