^

True Confessions

Black Pearl (91)

- Ronnie M. Halos -

SINALUBONG ako sa air­port ni Rina. Sabik na sabik ako sa asawa ko. Kung hindi lamang bawal na maghalikan nang todo sa publiko, ay baka na­pupog ko na ang aking mahal na asawa. Lalong gumanda si Rina sa tingin ko at tila bumata. Sumeksi pa.

Nang nasa sasakyan na kami ay binulungan ko si Rina: “Ang seksi mo.”

Sagot naman niya na pabulong din: “Ang gu­wapo mo naman Frankie Boy.”

Pinisil ko ang kanang palad niya. Ang lambot ng palad ni Rina.

Kalahating oras ti­nakbo ang patungo sa aming tirahan. Malapit iyon sa ospital na pinagtatra­ba­hu­han ni Rina. Puwedeng la­karin. Nasa third floor kami. Malaki ang space. Kum­pleto sa gamit. Na­ihanda ni Rina bago ako du­mating. Maaasahan talaga ang asawa ko.

Maraming hinandang pagkain si Rina. Espesyal daw ang pagdating ko. Bubusugin daw niya ako. Bayad daw iyon sa matagal din naming pagkakahiwa­lay. Mula raw ngayon ay hindi na ako kakain nang biling luto kagaya ng gina­gawa ko sa Maynila.

Matapos ang masarap na pagsasalo namin sa handang pagkain, ang pag­sasalo naman namin ni Rina sa malambot na kama ang naganap. Nayugyog ang malambot na kama sa aming pagkilos. Ibang klase ang pagkasabik ko kay Rina at ganundin naman siya sa akin. Noong una kaming magsalo, hindi ganito. Siguro’y dahil ma­tagal-tagal din ang aming paghihiwalay kaya ganoon na lamang ang pagkasabik sa isa’t isa. Mainit na mainit ang aming pakiramdam. Parang nag-aapoy sa lagnat.

“Frankie… ang init mo…” Sabing pabulong ni Rina. Sabi ko’y mainit na mainit din siya at parang nilalagnat.

“Nang sabihin mo na gusto mo nang mag-saudi uli, tuwang-tuwa ako. Ipi­nag­yabang na kita sa mga kasamahan kong nurse. Bukas, ipakilala kita.”

“Na-realized ko, ma­hirap talagang mag-isa, Rina. Mula nang magsama tayo, hinahanap ko na ang pagsasalo natin.”

“Hindi mo na hinahanap si Melissa?” sabi at umi­ngos. Parang may tampo sa himig ng pananalita.

“Ba’t ko naman ha­hanapin?”

“Siyempre dati mong nakalaro. Nasarapan ka rin kahit paano.”

“Wala akong nada­mang sarap. Nakalimot lang ako nun. Lasing din ako. Isa pa, udyok na rin ng kaibigan. Hindi pala ako dapat pumayag.”

Para mapawi ang sama ng loob ni Rina, pinagkaloob ko sa kanya ang naiibang init ng pagmamahal. Ipinadama kong siya at walang iba ang aking minamahal.

Madali namang ma­wala ang tampo. Nag­sabay kami sa pagpapa­kawala ng init.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BAYAD

BUBUSUGIN

FRANKIE BOY

MULA

NANG

RINA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with