BIGLA ang pasya ko. Gusto kong magbalik sa Saudi. Para magkasama kami ni Rina roon. Sabi naman ni Rina, may alam siya na puwede akong pasukan doon kahit lampas na ako sa edad para mag-Saudi. Siya raw ang bahala. Kakainin ko pala ang sinabi ko na hindi na tutuntong sa Riyadh. Ano ang magagawa ko, baka mas lalo akong maburyong dito sa bahay. Kung puwede nga lang habambuhay nang nasa Saudi para wala nang balikan. Mas maganda roon basta kasama ko si Rina.
Nang tumawag si Rina, ikinuwento ko ang mga nangyari sa amin ng kaibigan kong si Fernan do. Atat si Rina sa balita.
“O anong nangyari kay Fernando at doon sa Melissa na sabi mo’y ipinaubaya sa’yo…”
“Okey naman sila.”
“Ang gusto kong malaman ay kung may anak ka sa kanya. Di ba iyon kutob mo na naanakan mo ang Melissang iyon.”
“Wala. Hindi nagbunga ang kataksilan.”
Narinig ko ang paghugot ng hininga ni Rina. Para bang nawalan ng tinik.
“Ay salamat naman. Alam mo ‘’yan ang iniisip ko habang narito, paano nga kung may anak ka sa Melissang iyon. Paano ako? Baka iwan mo ako.”
“Ba’t naman kita iiwan?”
“E wala tayong anak e.”
“Diyan na lang tayo gu mawa…”
“Ano?” takang-taka si Rina.
“D’yan na lang tayo gumawa sa Riyadh. Gus-to ko nang pumunta d’yan.”
Hindi makapaniwala si Rina.
“Nagbibiro ka ba Frankie?”
“Hindi. Di ba sabi mo mayroon kang alam na paraan para ako maka punta d’yan.”
“Oo! Talaga bang hindi ka nagbibiro Frankie? Talaga bang gusto mo uli mag-Saudi.”
“Oo. Naiinip ako rito. Gusto ko magkasama na tayo. Gusto ko diyan na tayo habambuhay.”
Nagtawa si Rina.
“Atat na atat ka ngayon. Talagang miss mo na ako, Frankie.”
“Oo. Diyan nga kita aanakan.”
Nagtawa si Rina. Dama ko ang katuwaan niya sa pasya kong mag-saudi uli. May balak na agad siya kung paano ako makakapunta roon.
“Ibibili kita ng visa. Ganito ang ginawa ng kasamahan kong nurse sa mister niya. Dati na rin dine ang mister niya. Door-to-door ang business nila ngayon at malakas ang kita. Ganyan din ang gagawin natin, Frankie. Tapos kukuha tayo ng bahay. Yehey magkakasama na tayo.”
“Sige asikasuhin mo na Rina at atat na talaga akong makasama ka.”
“Miss ko na ‘yang ano mo, Frankie”
Nangyari ang mga inaasam namin ni Rina. Nakabalik nga ako Ri yadh.
(Itutuloy)