^

True Confessions

Black Pearl (90)

- Ronnie M. Halos -

BIGLA ang pasya ko. Gusto kong magbalik sa Saudi. Para magka­sama kami ni Rina roon. Sabi naman ni Rina, may alam siya na pu­wede akong pasukan doon kahit lampas na ako sa edad para mag-Saudi. Siya raw ang bahala. Kakainin ko pala ang sinabi ko na hindi na tutuntong sa Ri­yadh. Ano ang maga­gawa ko, baka mas lalo akong maburyong dito sa bahay. Kung puwede nga lang habambuhay nang nasa Saudi para wala nang balikan. Mas maganda roon basta kasama ko si Rina.

Nang tumawag si Rina, ikinuwento ko ang mga nangyari sa amin ng kaibigan kong si Fernan­ do. Atat si Rina sa balita.

“O anong nangyari kay Fernando at doon sa Melissa na sabi mo’y ipinaubaya sa’yo…”

“Okey naman sila.”

“Ang gusto kong ma­laman ay kung may anak ka sa kanya. Di ba iyon kutob mo na naanakan mo ang Melissang iyon.”

“Wala. Hindi nagbu­nga ang kataksilan.”

Narinig ko ang pag­hugot ng hininga ni Rina. Para bang nawalan ng tinik.

“Ay salamat naman. Alam mo ‘’yan ang iniisip ko habang narito, paano nga kung may anak ka sa Melissang iyon. Paano ako? Baka iwan mo ako.”

“Ba’t naman kita iiwan?”

“E wala tayong anak e.”

“Diyan na lang tayo gu­ mawa…”

“Ano?” takang-taka si Rina.

“D’yan na lang tayo gumawa sa Riyadh. Gus-to ko nang pumunta d’yan.”

Hindi makapaniwala si Rina.

“Nagbibiro ka ba Fran­kie?”

“Hindi. Di ba sabi mo mayroon kang alam na paraan para ako maka­ punta d’yan.”

“Oo! Talaga bang hin­di ka nagbibiro Fran­kie? Talaga bang gusto mo   uli mag-Saudi.”

“Oo. Naiinip ako rito. Gusto ko magkasama na tayo. Gusto ko diyan na tayo habambuhay.”

Nagtawa si Rina.

“Atat na atat ka nga­yon. Talagang miss mo na ako, Frankie.”

“Oo. Diyan nga kita aanakan.”

Nagtawa si Rina. Da­ma ko ang katuwaan niya sa pasya kong mag-saudi uli. May balak na agad siya kung paano ako makakapunta roon.

“Ibibili kita ng visa. Ganito ang ginawa ng kasamahan kong nurse sa mister niya. Dati na rin dine ang mister niya. Door-to-door ang business nila ngayon at ma­lakas ang kita. Ganyan din ang gagawin natin, Frankie. Tapos kukuha tayo ng bahay. Yehey mag­kakasama na tayo.”

“Sige asikasuhin mo na Rina at atat na talaga akong makasama ka.”

“Miss ko na ‘yang ano mo, Frankie”

Nangyari ang mga inaasam namin ni Rina. Nakabalik nga ako Ri­ yadh.

(Itutuloy)

AKO

ANO

ATAT

DIYAN

FRANKIE

OO

RINA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with