Black Pearl (86)
“NAPAPANSIN daw ng mga kasamahan ko sa trabaho na iba ang mukha ng dalawang bata. Hindi raw kamukha ni Sir Fernando. Sarap pagtatampuyungin ng mga gago. Pinagsasabihan ko nga na huwag naman nilang pag-usapan ng ganoon ang aming amo. Masama na ang ganoon,” seryoso si Raul sa pagsasalita. Talagang gusto niyang ipagtanggol ang mag-asawang nagbibigay sa kanya ng ikabubuhay at nagpapa-aral sa anak.
“Iba kasi talaga ang ugali ng mga kasamahan ko, kahit na pakainin sa palad ay tutukain din. Naniniwala sila sa tsismis na hin-di raw kay Sir ang kambal samantalang kitang-kita naman sa mukha ng dala-wa na kamukha ni Sir. Makikita mo kapag pinadala ko sa’yo ang kuha. Cute na cute nga ako sa dalawang bata. Gusto kong kunan ng bagong retrato. Sige pag meron akong time e kukunan ko para latest. Madalas maglaro sa may waterfalls ang dalawa.”
Nasabik na naman ako. Parang lumulukso ang dugo ko.
“Ano ang pangalan ng dalawang bata, Raul?” tanong ko.
“Hindi ko matandaan, Frank. Pero hayaan mo at ite-text ko sa’yo. Huwag mo lang kalimutan na ibigay ang cell number mo.”
Noon din ay ibinigay ko na ang number ko kay Raul. Baka nga malimutan ko pa.
Pagkatapos kong maibigay, piniga ko pa para magkuwento si Raul tung-kol sa mag-asawa. Maraming alam si Raul at siguro bago ako umalis dito sa Pinamalayan ay alam ko na ang lahat.
“Pero naniniwala kang gagawa ng masama si Mam Melissa mo? Ibig kong sabihin, papatol siya sa ibang lalaki?”
“Naku hindi ah. Tingin ko desente si Mam. Hindi ang tipo niya ang manlalaki.”
“Ba’t mo nasabi?”
“Kasi’y mayroong nag-aplay na operator ng hand tractor kay Sir Fernando. Guwapong lalaki. May bigote. Tinanggap ni Sir. Aba, yun pala me kursunada kay Mam Melis- sa. Akala yata bibigay si Mam. Pinasok daw yata sa banyo si Mam habang naliligo. Nanlaban si Mam… mabuti na lang at may kasama sa bahay si Mam kundi ay baka na-reyp siya ng hayop na iyon...”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending