^

True Confessions

Black Pearl (85)

- Ronnie M. Halos -

“PUWEDENG patingin, Raul,” sabi kong hindi makapaghintay. Bigla akong naatat nang sa­ bihing may kuha siya sa cell phone ng dala­wang bata.

“Hindi ko nadala ang cell ko. Ipasa ko na lang sa’yo. Kailan ka ba aalis?”

“Baka bukas umalis na ako, Raul.”

“Sige at kapag sini­ pag ako, e punta uli ako rito bukas ng umaga. Bihira rin akong pu­munta rito sa bayan.”

“Salamat, Raul. Asa­han ko ha.”

“Ano mo baga si Sir Fernando at Mam Me­lissa?” tanong na tila   may pagtataka. Mas ma­bagsik ang puntong Pi­namalayan niya kaysa kay Mang Nado.

Si Mang Nado na   ang sumagot sa tanong ni Raul. Ipinaliwanag dito. Napatangu-tango si Raul pagkatapos. Parang pa­ni­walang-paniwala na dati ko na ngang siyota si Melissa noon.

“Huwag mo nang ma­babanggit kay Sir Fer­nando o kay Mam Me-lissa mo na may taong nagtatanong sa kanila ha, Raul. Kasi ayaw kong malaman ni Melissa na ang kanyang dating si­yota ay sinusundan pa siya hanggang dito sa Pinamalayan. Sa atin-atin na lamang ito ha?”

“A ay oo. Hindi rin na­man ako palakuwento.   At saka minsan-minsan lang din kaming magka­kuwentuhan ni Sir at Mam. Paano’y masya­dong abala sa trabaho. Ngayon ay ang mga ma­ngoosteen ang aming hina-harvest. Naku napa­karaming kuwarta pala sa manggoosteen. Yung balat lang pala ang ki- nu­kuha roon at ginaga­wang tabletas. Sabi ay gamot sa kung anu-anong sakit. Pati ngani ang luyang di­law ay gi­nagawa na ring gamot sa kung anong mga sakit.”

Makuwento si Raul kaya unti-unti kong dinala pa kina Fernando at Melissa ang usapan para meron pa akong ma­laman sa kanila. Ang mga nalaman ko kay Mang Nado ay gusto ko pang madagdagan.

“Okey naman ang pag­sasama nila sa pala­gay mo, Raul?”

“Ay oo. Magkasun­dung-magkasundo ang mag-asawang ‘yun. Kaya siguro sinusuwerte ay dahil sa laging mapag­mahal sa isa’t isa. Naki­kita ko kung paano sila nagsusunuran. Kapag si Mam Melissa ay nasa Maynila ay parang nalu­lungkot si Sir Fernando.”

“Bakit madalas ba      si Mam Melissa mo sa Maynila?” tanong ko.

“Madalas din. Siya kasi ang nakikipag-usap sa pharmaceutical companies na kumukuha ng produkto.”

“Kapag lumuluwas siya kasama ang dala­wang bata?”

“Oo.”

Positive na ang na­kita ko sa mall sa May­nila noon ay walang iba kundi si Melissa. May­roon siyang nilalakad noon kaugnay sa ne­gosyo nila.

“Ito lang mga kasa­mahan ko sa trabaho ay kung anu-ano ang mga tsinitsismis sa mag-asawa. Kaya nga kapag nag-uusap sila ay gusto kong pagtatampu­yu­ngin ay…”

“Anong tsismis?”

“Yun daw dalawang bata ay hindi anak ni Sir.”

Napamaang ako.

(Itutuloy)

KAPAG

MAM ME

MAM MELISSA

MANG NADO

RAUL

SHY

SIR FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with