Black Pearl (83)

“NARINIG ko rin sa pa­mangkin ko na yan palang si Fernando ay dati pala ‘yang na-stroke. Patay ang kalahati ng katawan. Na-ka-wheelchair nga…” sabi pa ni Mang Nado na aliw na aliw sa pagkukuwento tungkol kay Fernando.

Hindi ko naman ikina­gulat ang sinabi niya dahil alam ko na naman noon pa na na-stroke ang kaibigan ko. Pero may dinugtong     si Mang Nado na hindi ko akalain.

“Pero alam mo, himala raw nakarekober ang ta-ong iyon. Hindi na raw naka-wheelchair at tuwid na raw lumakad. Sabi pa ng pa­mangkin ko e yung asa­ wa pala ang matiyagang nag-alaga. Nag-aral daw pala ng theraphy yung ba­bae kaya nakarekober. Hin­di ma­kapa­ni­wala ang pa­mangkin ko na makaka­la­kad uli. Ngayon yata e na­ka­kapag-drive na ng Fortu­ner. Nag­dyad­yaging na rin yata. Yun ang sabi sa akin.”

Hindi naman ako maka­ pag­­salita. Hindi rin ako ma­ka­paniwala sa kinuwento     ni Mang Nado. Kasi’y sa pa­la­gay ko noon, hindi na ma­ka­lalakad nang tuwid si Fer­nando dahil nga masyado nang napabayaan. Bukod doon ay hindi na maawat    sa bisyo. Sabi pa nga’y ma­ma­ma­tay din lang siya ay bakit pa mag-iingat. Marami na raw nasira sa kanya.

“Isa rin na naging kapu-na-puna kay Fernando ay hindi na raw umiinom at na­ninigarilyo. Siguro ay nag­karoon ng leksiyon no­ong magkasakit. Hindi ko na-man nakita ang Fernan­dong iyon noong na-stroke at pa­wang kuwento lang ng pa­mangkin ko. Madalas ngang ikuwento dahil ubod ng bait sa mga tauhan. Ta­laga raw walang makaka­tulad.”

“May naikuwento pa po sa dalawang bata, Mang Nado?”

“Wala na. Basta ang na­sabi lang e kambal na ba­bae. Madalas daw makita ng pamangkin ko ang dala­wang bata. Mga cute raw. Mayroong yaya ang mga bata.”

Napatangu-tango na la­mang ako. Akin kaya ang dalawang batang iyon?

“E huwag ka namang magagalit, Frank, nagta­taka lang ako kung bakit parang interesadong-inte­­­reado ka kay Fernando at sa asawa niya. Eto na­man ay naitatanong ko lang. Bakit nga ba?”

Inaasahan ko na iyon at meron na akong naka­han­ dang sagot sa ma­tanda.

(Itutuloy)

Show comments