Black Pearl (83)
“NARINIG ko rin sa pamangkin ko na yan palang si Fernando ay dati pala ‘yang na-stroke. Patay ang kalahati ng katawan. Na-ka-wheelchair nga…” sabi pa ni Mang Nado na aliw na aliw sa pagkukuwento tungkol kay Fernando.
Hindi ko naman ikinagulat ang sinabi niya dahil alam ko na naman noon pa na na-stroke ang kaibigan ko. Pero may dinugtong si Mang Nado na hindi ko akalain.
“Pero alam mo, himala raw nakarekober ang ta-ong iyon. Hindi na raw naka-wheelchair at tuwid na raw lumakad. Sabi pa ng pamangkin ko e yung asa wa pala ang matiyagang nag-alaga. Nag-aral daw pala ng theraphy yung babae kaya nakarekober. Hindi makapaniwala ang pamangkin ko na makakalakad uli. Ngayon yata e nakakapag-drive na ng Fortuner. Nagdyadyaging na rin yata. Yun ang sabi sa akin.”
Hindi naman ako maka pagsalita. Hindi rin ako makapaniwala sa kinuwento ni Mang Nado. Kasi’y sa palagay ko noon, hindi na makalalakad nang tuwid si Fernando dahil nga masyado nang napabayaan. Bukod doon ay hindi na maawat sa bisyo. Sabi pa nga’y mamamatay din lang siya ay bakit pa mag-iingat. Marami na raw nasira sa kanya.
“Isa rin na naging kapu-na-puna kay Fernando ay hindi na raw umiinom at naninigarilyo. Siguro ay nagkaroon ng leksiyon noong magkasakit. Hindi ko na-man nakita ang Fernandong iyon noong na-stroke at pawang kuwento lang ng pamangkin ko. Madalas ngang ikuwento dahil ubod ng bait sa mga tauhan. Talaga raw walang makakatulad.”
“May naikuwento pa po sa dalawang bata, Mang Nado?”
“Wala na. Basta ang nasabi lang e kambal na babae. Madalas daw makita ng pamangkin ko ang dalawang bata. Mga cute raw. Mayroong yaya ang mga bata.”
Napatangu-tango na lamang ako. Akin kaya ang dalawang batang iyon?
“E huwag ka namang magagalit, Frank, nagtataka lang ako kung bakit parang interesadong-intereado ka kay Fernando at sa asawa niya. Eto naman ay naitatanong ko lang. Bakit nga ba?”
Inaasahan ko na iyon at meron na akong nakahan dang sagot sa matanda.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending