^

True Confessions

Black Pearl (82)

- Ronnie M. Halos -

“KILALA rito si Fernando, Frank. Siya yung may malaki ang taniman ng kape at kakaw. May tani­man din siya ng mangoos­teen at luyang dilaw nga­ yon. Pang-herbal medicine raw. Ma­yaman na ‘yung si Fer­nan­do. Baka maya­man pa sa mga Intsik dito na ang ne­gosyo ay kopra at palay,” pagkukuwento ni Mang Nado. Nasa baku­ran kami ng bahay niya. Maliwanag ang buwan.

“Dun po sa may muni­sipyo ang bahay niya ano, Mang Nado?” tanong ko.

“Aba ay hindi na. Sa mis­mong lupain na niya siya nagpatayo ng bahay. Kasi yung nabili niyang lupa e may waterfalls. Di­nadayo na nga ngayong summer ang falls. Mala­wak. Napakaganda ng lugar niya. Siguro e mga kalaha­ting oras mula rito sa Pina­malayan ang kinaroroonan ng lupain niya. Sinu­werte ang taong iyon. Mas­yado kasing mabait.”

Doon ko nakumpirma na mali ang mga inisip ko noon na baka patay na si Fer­­nando at iniwan na ni Melissa. Sinuwerte pa pala ang kaibigan ko. Yung lupa pala na sana ay para sa akin, ay siya na pala ang may-ari. Natupad din ang pangarap niya na doon magbahay. At siguro, ang bahay na ipina­gawa ay may beranda at nakaharap sa waterfalls. Naalala ko, doon daw kami mag-iinuman sa beranda para maganda ang view.

“Pero mayroon akong na­balitaan sa asawa niya…”

Doon ako nagsimulang tindigan ng balahibo. Baka kaya nanlalaking muli si Melissa?

“Eto naman ay ayon sa kuwento ng pamangkin ko. Yung pamangkin ko kasi   ay trabahador sa lupain ni Fer­nando. Doon na siya na­katira mismo sa lupa ni Fernando. Yan daw asawa niyang si Fernando ay min­san nang kumaliwa noon. Nahuli na raw ‘yan dun sa isang beach sa Pili yata na may kaanuhan na ibang la­laki. Pero dahil mabait daw si Fernando ay tinang­gap uli. Kaya ayun magkasama na sila ngayon at ayon sa pamangkin ko ay talagang nagsasama nang ayos ang dalawa…”

Ah, alam ko na ang istor­yang iyon. Noon pa iyon. Yung bago ang gusto kong malaman kay Mang Nado.

“Ang pamangkin mo po ba ay nagtatrabaho pa rin hanggang ngayon kay Fer­nando?”

“Aba ay oo. Baka hindi na aalis ang pamangkin ko kay Fernando dahil mabait nga. At saka kahit na anong hilingin nila ay binibigay. Kahit sa pera ay maluwag. Wala raw masasabi ang pamangkin ko sa mag-asa­wa. Kasi’y talagang sobra-sobra ang pera. Yung anak nga ng pamangkin ko e sa Maynila nagkokolehiyo at sinasagot pa ni Fernando ang tuition…” sandaling tumigil si Mang Nado sa pagsasalita. Parang nag-iisip pa nang ikukuwento kay Fernando.

“Sabi ng pamangkin ko, para raw sinuwerte nang magkaanak nang kambal sina Fernando. Parang hinipang lobo ang kabuhayan…”

Lumipad naman ang isip ko. Nang makita ko noon ang isang babae sa mall sa Maynila na kaha­wig ni Melissa ay may akay na dalawang bata. Tama nga yata ang kutob ko. Hindi kaya anak ko ang kambal na ‘yun?

(Itutuloy)

FERNANDO

KASI

MANG NADO

MAYNILA

NIYA

PAMANGKIN

SHY

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with