“ANONG kasalanan, Rina?”
“Me naanakan siya. Da lawa pa. Habang ako ay naghihintay sa kanya sa Saudi at padala ako nang padala ng pera, yun pala me iba siyang asawa rito. Akala ko pa naman, e matino at hindi naim pluwensiyahan ng in- laws ko, yun pala e meron nang anak…”
Napaismid si Rina. Dama ko rin ang sakit.
“Okey lang sana kung nambabae o tumikim sa tabi-tabi pero inanakan pa.”
“Paano mo nalaman?”
“Noon pa, narinig ko na yun sa mga biyenan ko mismo pero hindi ko pinaniwalaan. Kasi nga’y malaki ang tiwala ko sa asawa ko. Pero nito ngang huling magpunta rito ang biyenan ko, ipinakita ang pictures. Talagang inihanda para makita ko ang ebiden siya. Ako palang si Gaga na naging matino sa buong panahon ng aming pagsasama ay winalanghiya nang todo. At yun pang pinadadala kong pera mula Saudi ang ginagastos sa mga anak niya.”
Masakit nga!
“Kaya ka nag-decide na magpaangkin na kay Frankie Boy? Baka naman napilitan ka lang.”
“Uy hindi ha. Talagang love kita.”
“Unfair ka kung kaya ka lang nakipagrelasyon sa akin e dahil gusto mong maka ganti.”
“Totoo talagang love kita, Frankie. Gusto mo hindi na ako magsasaudi para hindi na tayo magkalayo.”
“Aba huwag naman. Sa yang ang trabaho mo.”
“Kasi’y duda ka sa akin.”
Hinimas ko ang makinis na braso.
“Paniwala na ako. Paniwalang-paniwala na.”
Nakangiti na si Rina.
Saka may binulong sa akin. Napangiti ako. Sabi ang “sarap” daw ng ginawa ko kanina. Pilya talaga. Pero umangat ako sa sinabi niya. Na kadagdag sa pagkalalaki ko.
Me binulong pa uli. Mahusay daw pala akong pearl diver. Ha-ha-ha! Sabi pa ulitin ko raw.
E di inulit ko nga. Mas hinusayan ko pa. (Itutuloy)