Black Pearl (57)

ITIM na t-shirt ang suot ng babae at itim din ang jeans. Nag­luluksa yata. Lalong lumutang ang ka­putian. Hanggang balikat ang kanyang buhok. Mga 5’1’’ ma­rahil ang height ng babae.

Ilang ulit kong inalala kung saan siya nakita at kung ano ang pangalan pero wala akong ma­alala. Isip pa uli. Wala talaga. Blanko ang isip ko sa ba­baing ito,

Nasundan ko ang pagtayo ng babae para pumunta sa teller. Number na pala niya ang tinawag. Ha­bang nakatalikod ang babae, saka ko biglang naisip kung saan na­kilala ang babae – sa Riyadh! Isang nurse sa government hospital. Nakilala ko siya noong sumama ako sa hos­pital sa dati kong kasama­han sa trabaho. Me ki­nuhang padala sa ba­baing ito.

Nang matapos ang babae sa transaction sa teller ay umalis na. Ma­bilis kong hinabol. Ina­bot ko sa may pinto.

“Mam, excuse me.”

Lumingon sa akin. Napakunot ang noo. Tila ba inaalala kung saan din ako nakita, Pero mas madali siyang na­ka­alala. Na­tandaan agad ako.

“Frank? Ikaw si Frank ano?”

“Oo. Kanina pa kita pinagmamasdan pero talagang hindi ko ma­alala ang name. Basta ang alam ko, sa Riyadh tayo nagkakilala. Sorry pero talagang hindi ko matandaan ang name mo.”

“Ay ang daling nali­mutan ang ganda ko. Ako si Rina,”

“Ay oo! Si Rina ka nga. Kumusta?”

“Eto nag-iisa na.”

“Anong nag-iisa na.”

“Biyuda.”

“Kaya pala naka-overall black ka.”

“Oo.”

“Wala pang isang taon.”

“’Kala ko dalaga ka pa. Nung magkita tayo noon, dalaga ka pa?”

“Oo yata. Ah oo.”

“So anong nang­yari?”

“Sa Riyadh nama­tay ang husband ko. Nasagasaan ng Sau­di,”

Napailing-iling ako.

Napansin ko na number ko na ang ti­na­tawag, Nagpa­alam ako kay Rina para makipag-tran­sact sa teller.

“Sige lang Frank, hintayin kita rito, Ma­rami pa akong iku­kuwento sa’yo.”

Mabilis akong nag­­tungo sa teller. (Itutuloy)

Show comments