NAG-IISA na ako nga yon sa aking bahay sa Lagro. At ngayong malayo na ako kina Melissa at Fernando, nakadarama naman ako ng lungkot. Nakababagot. Mabagal umusad ang oras. Pero kailangan kong tiisin ang kalagayang ganito. Sabagay, sanay naman ako sa ganitong kalagayan na walang kasama. Noong nasa Riyadh pa ako e nalabanan ko ang lungkot. Nang makilala ko si Fernando roon e nabawa-san ang nadamang lungkot dahil naging magkaibigan kami. Nang magpasya siyang umuwi na dito sa Pilipinas, balik ako sa malungkot na buhay. Sabi ni Fernando sa akin noon e bakit hindi pa kami sa bay na umuwi. Tumanggi ako dahil sa palagay ko hindi pa sapat ang ipon ko. Takot akong maghirap. Siya, marami nang pera kaya puwede na. At ng mga panahong iyon ay nagbabalak na ngang mag-asawa kay Melissa nga. Matagal bago kami muling nagkaroon ng komunikasyon. At kung alam ko nga, na mayroon palang plano si Fernando kaya ako pinapunta sa Pinamalayan, hindi na sana ako nagtungo. Nakaiwas sana sa kasalanan. Ngayon, hindi ko naman lubos maisip na makakaya ni Fernando na ipagkaloob sa akin ang kanyang asawa. Kawawa raw kasi. Sayang ang kasari waan. Ganoon lang.
Ikinatatakot ko ay baka kung ano ang gawin ni Melissa, kapag nalamang itinuloy ko ang pag-alis. Hindi naman siguro mag papakamatay. Kalokohan na magpakamatay ang babae dahil lumayas ang kanyang “lalaki”. Mas magagawa pa ni Melissa na manlalaki kaysa mag pakamatay. Kung ganoon ang gagawin niya, mas magiging kawawa si Fernando dahil mada dagdagan ang problema niya. Pero siguro kaya na niyang tanggapin dahil nga iniligtas naman siya ni Melissa sa kamatayan. At posible rin na iyon na ang maging dahilan para siya ma-stroke muli at hindi na makaligtas.
Isa pa ring ikinababahala ko, paano kung sundan ako ni Melissa. Sanay din siya rito sa Maynila dahil dito siya nag-aral. Minsan, nasabi kong sa Lagro ako nakatira. Gaa no nang ipagtanong kung nasaan ang Lagro. At kung ganoon ang gagawin, baka dito na maituloy ang kasalanan. Iiwanan na niya nang tuluyan si Fernando.
Tumututol ang isip ko: Huwag na huwag mong iisipin ang ganon, Frankie Boy at baka ganoon nga ang mangyari. Kung ano ang iniisip mo, iyon ang mangyayari kaya mag-ingat ka!(Itutuloy)