INALIS ko nang dahan-dahan ang kamay ni Melissa sa pagkakapatong sa dibdib ko. Nang maalis, dahan-dahan akong bumangon. Nakasindi ang lampshade kaya madali kong nakita ang mga damit kong nakakalat sa sahig. Pinu- lot ko ang aking brief, pantalon, at t-shirt. Marahan akong nagbihis. Huwag sana akong makagawa ng ingay para hindi magising si Melissa. Nakapagmedyas ako. Nakapagsapa- tos na hindi nakagawa ng ingay. Dinampot ko ang backpack. Tinapunan ko ng tingin ang himbing na himbing na si Melissa. May napansin akong ngiti sa kanyang labi. Paalam Melissa.
Tinungo ko ang pintuan. Marahan kong binuksan. Daha-dahan ko ring isinara. Nagmarahan din ako sa paglakad pababa sa hagdan at baka si Fernando naman ang magising ay masira ang plano ko. Madilim sa salas pero nakikita ko na ang kabuuan ni Fernando habang nakahiga sa sopa. Dinaa-nan ko siya.
Paalam Fernando. Salamat sa alok mo pero hindi ko kaya. Maaaring ngayon at sa mga susunod na araw kaya ko, pero paano pagtumagal na. Hindi magiging normal ang buhay ko sa ganitong sitwasyon. Kahit sabihin pang may consent ka, mali pa rin. Sa iyo ay okey iyon pero para sa akin, hindi na tama. Hindi naman ako traidor na kaibigan. Patawad na rin sapagkat, napugayan na kita ng dangal. Siguro, hindi na ako babalik dito.
Nagmamadali ako sa paglabas. Kabisado ko na ang pagbukas ng main door. Kinabig ko iyon. Lumabas ako. Kinabig ko uli at kusang nag-lock kaya walang makapapasok kahit magnana-kaw. Tinungo ko ang gate at dahan-dahang binuksan. Nang nasa labas na ako ay dahan-dahan ko ring isinara. Malaya na ako.
Nagsisimula nang lumiwanag sa paligid. Alas singko’y medya ng umaga. Malamig ang hangin.
Nakita ko ang isang paparating na traysikel. Kinawayan ko. Agad lumapit. Nagpahatid ako sa terminal ng van patungong Cala- pan. Pagdating sa terminal, tamang-tamang paalis ang van. Iilan pa lang ang pasahero. Umusad na ang van.
Inayos ko ang pagkakaupo. Pumikit ako. Malaya na talaga ako kina Fernando at Melissa.
Sumigaw naman ang konsensiya ko: “Tama ang ginawa mo! Kung hindi ka umalis, magiging araw-araw na ang pagtatalik n’yo ni Melissa at araw-araw din ang pagbibigay mo ng sakit kay Fernando. Hindi mo kakayanin ‘yun!”
Nakatulog pala ako. Nang magmulat, papasok na sa Calapan port ang van.
Eksaktong paalis ang Super Cat. Bago magtanghali ay baka nasa Bata ngas Pier na ako. Maaga pa akong makakarating sa Maynila.
Pagdating ko sa May-nila, makapagsisimula uli ako. Aayusin ko ang aking buhay. (Itutuloy)