Black Pearl (2)

“SI Melissa, asawa ko. Di ba sabi ko sa’yo mag-aasawa ako?” sabi ni Fernando pag­ karaan na ako ay yakapin nang mahigpit.

Kinamayan ko si Me­lissa. Malambot ang palad. Tipid ang ngiti.

“Ano bang nangyari, Fer. Hindi mo nabanggit sa akin sa sulat. At saka ang tagal mong sumulat sa akin.”

“Hindi ko magawang sabihin sa’yo, Frank. Na­awa ako sa sarili ko. Ang hirap palang tanggapin sa simula.”

“Stroke ba?”

“Oo. Patay ang kabiyak na katawan ko. Pero nagti-therapy ako.”

“Paano ba nangyari?”

“Doon na nga tayo sa loob magkuwentuhan.”

Itinulak ni Melissa ang wheel­chair ni Fernando. Se­mentado ang pathway pa­tungo sa main door ng bahay. Da­lawang palapag ang bahay ni Fernando. Ma­lawak ang ba­kuran. May mga tanim sa pa­ligid. Siguro, ang nakuhang pera sa pagtatrabaho sa Saudi ang ibinili ng lupa at ipinag­pagawa ng bahay.

Nakapasok kami sa loob. Maganda sa loob. Kumpleto sa kasangkapan.

“Maupo ka, Frank.”

“Hindi ka na ba nakaka­tayo, Frank?”

“Nakakatayo pa naman pero kailangang me alalay.”

“Puwede kang maupo dito sa sopa.”

“Oo. Teka at lilipat ako diyan.”

Inalalayan ko si Fernando para makatayo sa wheelchair. Si Melissa ang humawak sa baywang ng asawa. Umakbay sa akin si Frank. Nailipat naming sa sopa.

“Hindi ko pinangarap na ma­­ging ganito, Frank. Tala­gang hindi,” sabing naghi­himutok.

“E sino bang tao ang may gusto ng ganyan. Tayong lahat, ayaw magkaganyan.”

“Tangna kasing bad cholesterol ko tapos ang blood pressure ang taas. Pinaba­yaan ko kasing katawan ko, Frank. Di katulad nung nasa Saudi tayo ano, nakakapag-jogging tayo. Ako mula nang umuwi galing Saudi at hi­narap ang pagtata­nim ng kape at kakaw, e nali­mutan ko nang sarili.”

“Me taniman ka ng kape at kakaw, Fernando?”

“Oo. Ako ang may ma­laking ta­niman ng kape rito sa Pi­na­malayan. Kinukuha ng isang coffee company ang mga bunga. Yung mga ka­kaw ko, napakyaw na ng isang ice cream co.”

Mayaman na pala si Fer­nando. Asenso na pala.

“Teka nga pala, mabuti e dito na tayo kumain sa salas.”

“Dito ko na dalahin ang pagkain?”

“Oo. Para masarap din ang kuwentuhan.”

Umalis si Melissa. Na­sundan ko ng tingin ang in­dayog ng katawan habang patungo sa kusina.

(Itutuloy)

Show comments