Laman (WAKAS)

HINDI ako makapa­ niwala sa bilis ng mga pangyayari. Kung ga­ano kabilis ang pagkaka-roon namin ng relas­yon ni Ate Lina, ganoon din pala kabilis iyon ma­wa­wala. Nagdaan lang. Parang panaginip lang.

Makaraang makara­ ting sa Sydney, okey     pa ang palitan namin ng text messages at e-mails ni Ate Lina. Pero nang tumagal, unti-unti ring nawalan ng sigla. Hindi ako ang nag­kulang kundi siya. At palagay   ko, sinadya niya ang ga­noon para mawa­kasan na ang lahat. Sa dakong huli, si­nabi niyang isang ma­la­king kamalian ang nang­yari sa amin. Hindi da­pat nangyari ang gano­on. Nag­sisisi siya.

“Pagkasabik lang sa “laman” ang nadama ko, Benhur. Ganun lang. Wa­ lang pag-ibig. Walang dam­damin. Patawarin mo sana ako. Matagal kong inisip pero ganoon talaga. Saglit akong nawala sa katinuan at naghanap nang masasandalan. Ikaw ang una kong nakita. Nagre­ re­belde rin siguro ako da­hil sa mga nangyaring ka­biguan… pero hindi pala dapat ganoon ang gina­wa ko. Ikaw, alam ko ganun din ang damdamin mo. Naghangad ka rin sa katawan ko. Kahit hindi mo sabihin, noon pa naki­kita ko na sa kilos mo na gusto mo ang “kapira­song laman”. Alam ko, ang pag­ nanasa mo ay hanggang doon lang at wala ring pag-ibig. Paghahangad din. Gusto mo lang su­ bukan…

Mabuti ngang narito na ako sa Sydney at mag­kalayo tayo, huwag ka nang magbalak na sun­ dan ako. Para sa atin na rin, Benhur. Pakiusap ko lang huwag mo na akong sundan. Mas malaki pa ang pag-asa mo na ma­ka­hanap nang mas ma­ganda, kaedad mo at mas matalino.

Tama na ang minsan nating pagtikim sa la­man…”

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni    Ate Lina. Mabuti nga at siya na ang nag-open niyon. Tama siya, pagkagusto lang sa “laman” ang na­ naig sa akin. Nagsimula sa paninilip sa kanya. Matinding pagnanasa. Hanggang doon lang. Walang pag-ibig.

Kung alam lang ni   Ate Lina na meron na akong ibang minamahal. Kasing-edad ko rin, ma­ganda, matalino, mabait at mapagbiro. Walang iba kundi si Niña. Nakilala    ko kailan lang. Purong pag-ibig ang nadama  ko kay Niña. Kapag nag-e-mail ako kay Ate Lina, wala akong ibang sa­sabihin sa kanya kun­di “Salamat — sa la­man.”

 (Bukas abangan ang isa na namang kapana-panabik na nobela ni RONNIE M. HALOS. Huwag kaliligtaan.)

Show comments