Laman (81)

“AKALA ko ba hindi ka marunong matakot?” ta­nong ko kay Ate Lina makaraan ang mainit na tagpo. Hindi na ako nahi­hiya. Wala nang pangam­ba sa nangyari sa amin.

“Ngayon lang ako na­takot, Benhur. Iniisip ko ang maaaring sabihin nang makaaalam — lalo ang inay mo.”

“Paano niya malala­man. Tayong dalawa lang naman ang makaka­a­lam.”

“Walang lihim na hin-di nabubunyag, Benhur. Maski itago e lumala-   bas pa rin ang katotoha­nan.”

“Hindi ako natatakot kahit malaman pa ng iba.”

Yumakap sa akin si Ate Lina. Siya ang tila naka­sandig sa akin ngayon. Parang sa akin siya nagha­hanap ng lakas. Sa akin umaasa ng tibay.

“Maaari naman tayong magsama, di ba? Gusto mo lumayo tayo rito.”

“Saan naman tayo pu­punta?”

“Sa ibang bansa.”

“Paano?”

“Pag-aralan natin,” sabi ko.

Tumibay ang aming re­lasyon. Lihim na lihim. Wa­lang kamalay-malay si Inay sa nangyayari sa aming dalawa ni Ate Lina.

Naging routine ko na paglabas ng trabaho ay sa bahay niya ako umuuwi. Parang mag-asawa na    ang aming turingan. Kulang na lang sa amin ay kasal.

“Okey na sa akin ang ganitong setup,” sabi ko.

“Gusto kong makapag-aplay sa Australia, Benhur. Yung dalawa kong kasa­mahan, aprubado na. Niya­yaya ako.”

“Sige.”

“Kapag naroon na ako, saka ka mag-aplay. Doon na tayo mamuhay nang walang sagabal.”

“Paano si Inay? Mag- iisa siya rito.”

“Saka na natin proble­mahin ‘yun. Ang mahalaga muna makaalis dito.”

“Sige, ikaw ang bahala.”

“Kapag naroon na ako, sasabihin ko sa ‘yo ang mga dapat para madali ka ring makapag-aplay.”

Naimadyin ko ang mga mangyayari. Kapag nasa Australia na kami wala na kaming katatakutan. Ma-ka­pamumuhay na kami nang ayos. Wala nang pa­ngi­ngimihan dahil wala nang makakakilala sa amin. Wala na ring mag­tataka kung bakit mala-yo ang agwat ng edad namin. Wala na kaming iisipin pa. At higit sa lahat, hindi na kami magka­kahiwalay pa.

Mabilis ang mga pangyayari. Madaling nakarating sa Australia   si Ate Lina. Ako ay hindi makapaniwala.

(Tatapusin)

Show comments